Phivolcs

Surigao del Sur niyanig ng 4.1 magnitude na lindol

December 16, 2023 People's Tonight 227 views

NIYANIG na naman ng lindol na may lakas na magnitude 4.1 ang Surigao del Sur noong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol 5:32 ng umaga at dahil iyon sa tectonic activity.

Natukoy ang epicenter ng lindol na 83 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur at may lalim na 1 kilometro.

Walang inaasahang aftershocks ang Phivolcs dahil sa naturang pagyanig.

Hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala sa nasabing lugar ang lindol.

Isa ang Surigao del Sur sa bumubuo ng Region 13 (Caraga) na kilala bilang mining capital of the Philippines.

AUTHOR PROFILE