Sunshine

Sunshine at Cindy, dedma sa bashers

October 17, 2021 Ian F. Fariñas 371 views

CindyDEDMA ang Braless Goddess na si Sunshine Guimary sa bashers ng pagpapaseksi niya sa social media man o pelikula.

Depensa ng isa sa mga bibda ng Vivamax original movie na House Tour, wala siyang pakialam anuman ang sabihin ng bashers o haters niya.

“Good or bad, wala akong keber. Basta ginagawa ko lang ang trabaho ko. Nasa kanila naman ’yon kung panonoorin nila o hindi, eh. Sa ngayon, tine-take advantage ko lang ang panahon na medyo bagay pa sa sarili ko ’yung mga bagay na ’yan. Ayaw ko naman na kung kailan late na ang panahon, saka ako magpapaseksi kung masagwa na sa paningin ng mga tao,” ani Sunshine sa virtual mediacon kahapon ng House Tour na dinirek ni Roman Perez at kung saan kasama ni Sunshine sina Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, Marco Gomez, atbp.

Isa pang ipinunto ng sexy star ay dati na siyang nagpapaseksi sa mga post niya sa Instagram kahit nu’ng hindi pa siya kinukontrata ng Viva bilang artista.

“Mahirap na baguhin ’yon,” dagdag niya.

Maging si Cindy, sinagot ang isyu ng pamba-bash sa pagpapaseksi niya sa screen.

Anang dating beauty queen, trabaho lang ang ginagawa nila ni Sunshine at may mga papel silang ginagampanan bilang artista.

Dugtong niya, “This is not us. Ginagawa lang namin ang pagpapaseksi bilang karakter sa pelikula. Bilang aktres, pinapangatawanan lang namin ang roles namin sa movie.”

Pero, nirerespeto raw niya ang opinyon ng lahat at naniniwala siya na eventually ay maiintindihan din ng bashers nila na trabaho lang ito sa kanila at meron din naman silang ibang buhay sa labas ng taping o shooting.

Gaya ni Sunshine, sinabi rin ni Cindy na may kalayaan naman ang publiko na mamili ng kanilang panonoorin.

“Pero thank you rin kasi binibigyan n’yo kami ng oras,” aniya pa sabay sabing hindi naman sila pagaaksayahan ng oras ng bashers ung hindi sila nagmamarka o napapansin man lang sa mga trabahong ginagawa nila sa pelikula.

Higit sa lahat, hirit pa ni Cindy, “Grateful ako dahil may trabaho pa rin ako” sa panahon ng pandemya.

Anyway, ang House Tour ay magsisimula nang mapanood sa Vivamax sa October 22.

AUTHOR PROFILE