Hidilyn

Fiance ni Hidilyn malaki ang papel

October 17, 2021 Aster Amoyo 487 views

HidilynLAST Saturday, October 16 ay ibinahagi ng kauna-unahang Filipino gold Olympics medalist na si Hidilyn Diaz (30) ang kanyang engagement sa dating weightlifter-turned professional weightlifting coach na si Julius Naranjo. Ang dalawa ay nagkakilala at the 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games.

Ayon kay Hidilyn, malaki umano ang naging papel ni Julius sa kanyang weightlifting career magmula nang maging sila laluna nang siya’y sumali sa 2020 Summer Olympic Games in Tokyo, Japan last July kung saan niya nasungkit ang kanyang first Olympic gold medal (maging sa Pilipinas).

Although masuwerte si Hidilyn kay Julius, mas masuwerte umano ang fiancé ni Hidilyn dahil isa nang multi-millionaire ang Olympic gold medalist with about P57M cash prize mula sa iba’t ibang sector at tao, may dalawang bahay (isa sa Zamboanga at Tagaytay), isang fully-furnished condo unit sa Eastwood City, isang Foton van, kotse, P600,000 beauty package, lifetime free flights sa Air Asia, 25 free flights sa Cebu Pacific, 80,000 miles free flights per year sa Philippine Air Lines, free lifetime gas mula sa Phoenix Fuel, free meals for life sa ilang restaurants at iba pa. Ito’y bukod pa sa scholaranship grant sa kanya ng De La Salle – College of St. Benilde kung saan siya nag-aaral ng kurso in Business Management.

Na-promote din to Staff Sergeant ng Philippine Air Force si Hidilyn.

Ang weightlifter Olympic gold medalist ay pang-lima sa anim na mga anak nina Eduardo at Emelita Diaz. Si Mang Eduardo ay dating tricycle driver bago naging farmer at mangingisda.

Bilang isang multi-millionaire na ngayon, tiyak na nabigyan ni Hidilyn ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Ngayong engaged to be married na siya kay Julius, haharapin naman niya ang pagsisimula ng sarili niyang pamilya.

WinSen. Win at Bianca wala pang magaganap na kasalan

MUKHANG wala pang engagement at kasalang magaganap sa pagitan nina Sen. Win Gatchalian (47) at dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo (34) bago mangyari ang May 2022 national and local elections. Malamang na kung magkakaroon man ng marriage proposal ay mangyayari lamang ito after the elections na.

Ex-girlfriend ni Sen. Win ang actress-host na si Pauleen Luna na misis na ngayon ng veteran host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto at meron na silang isang anak, ang almost four years old na si Maria Talitha o si Tali.

Hindi ikinakaila ng binatang senador na naiinggit umano siya sa kanyang mga kaklase at mga kaibigan na meron nang mga sariling pamilya at mga anak na ang iba ay nagtapos na sa college.

Between now and the elections ay pareho umano silang busy ni Bianca dahil may TV series na ginagawa ang huli at tutulong din umano ang dating beauty queen sa kampanya ng senador.

Sina Sen. Win at at Bianca ay magta-tatlong taon nang magkasintahan.

AldenAlden naghahanap na ng inspirasyon

AFTER being with GMA Artists Center for ten years since 2010, muling lumagda ng management contract si Alden Richards (Richard Reyes Faulkerson, Jr.) with the Kapuso Network last October 15, 2021 na ginanap sa isa sa mga function rooms ng EDSA Shangri-La Hotel in Mandaluyong City.

Masaya ang singer-actor, host at celebrity endorser sa takbo ng kanyang career. He is soon to start filming his first movie with the new Kapuso star na si Bea Alonzo sa local movie adaptation ng Korean film na “A Moment To Remember” na nakatakdang idirek ni Nuel Naval and joint productions ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment na siyang may hawak ng exclusive movie contract ng singer-actor.

Turning 30 on January 2, 2022, umaasa ang actor na sa pagpasok ng taong 2022 ay makahanap na rin siya ng kanyang magiging inspirasyon sa buhay tulad ng kanyang dating ka-loveteam na si Maine Mendoza na meron nang Arjo Atayde.

KabayanKabayan Noli, babalik ng ABS-CBN o pupunta ng TV5?

KUNG hindi umatras si Kabayan Noli de Castro sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa ilalim ng tiket ng presidentiable na si Manila Mayor Isko Moreno, marami ang naniniwala na ito’y muling mananalo. Pero limang araw matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy nung October 8 ay nag—withdraw naman siya dahil mas gusto nitong ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang isang mamamahayag.

Over at ABS-CBN, nagsumite na si Kabayan Noli ng kanyang resignation. Nagkaroon ng mga pagbabago. Inilipat si Karen Davila mula “The World Tonight” at inilagay sa “TV Patrol,” ang news program na inalisan ni Kabayan Noli. Si Karen naman ay pinalitan ni Pia Gutierrez sa “The World Tonight” kung saan pa kasama nito si Tony Velasquez as co-anchor.

Sa pagkakaalam namin, hindi basta-basta pakakawalan ng ABS-CBN management si Kabayan Noli ngayong gusto nitong balikan ang pagbu-broadcast sa radio at telebisyon. Pero hindi naman basta-basta na lamang babaguhin ng pamunuan ng Kapamilya network ang kanilang nakapuwesto nang mga anchor to accommodate back Kabayan Noli. Dahil dito, may mga lumutang na balita na malamang daw na lumipat na rin si Kabayan sa TV5 lalupa’t tuloy sa pagkandidato sa pagka-senador si Raffy Tulfo at nawalan ng poste ang news program ng Kapatid network. Ang balitang ito ay hindi imposible. Ang dating Kapamilya radio and TV anchor na si Ted Failon ay nasa bakuran na rin ng TV5 habang si Kim Atienza ay lumipat na ng GMA.

Ang tanong ngayon ng marami, hahayaan na lamang ba siya ng ABS-CBN na mapunta sa TV5?

Bea na-touch nang batiin ng dating boss

NA-TOUCH ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo nang siya’y makatanggap ng pagbati sa kanyang kaarawan last October 17 mula sa pangulo ng dati niyang home studio, ang ABS-CBN na si Carlo Katigbak.

Lumipat man ng GMA si Bea, nagpaalam naman siya nang maayos sa mga big boss ng ABS-CBN.

Bea signed an exclusive TV contract with GMA last July 1, 2021 and has yet to start her first TV and movie project with the network.

Samantala, marami naman ang naghihintay kung susunod kay Bea sa Kapuso network ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque na wala pang bagong assignment sa Kapamilya network.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE