Cassy

Cassy, bagong Beautéderm brand ambassador

October 17, 2021 Ian F. Fariñas 552 views

BINUBUKSAN ng Beautéderm Corporation ang huling quarter ng 2021 kasama ang freshest at most exciting young star na ngayon ay bahagi na ng ever-growing family nito sa pormal na pagsalubong sa TV personality at celebrity influencer na si Cassy Legaspi bilang pinakabagong ambassador.

Mula nang itinatag nu’ng 2009, naging lider ng beauty and wellness industry ang Beautéderm bilang isang respetadong distributor kung saan pinagkakatiwalaan ang mga brand nito ng mga consumer ’di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Dahil na rin ito sa epektibong business model na nagbibigay ng long-term at sustainable na trabaho sa libu-libong mga reseller at franchisee.

Sa ngayon, mahigit sa isang daang mga produkto na ang nasa ilalim ng Beautéderm sa mga kategorya ng Make-up and Cosmetics; Haircare; Body Care; Personal Care; Body Sets; Spruce And Dash Collection; Beautéderm Home; at Facial Care – na partikular na iniendorso ni Cassy.

Ang mga nabibilang sa Facial Care Line ng Beautéderm ay ang recently launched Blanc Plus Sheet Mask at Blanc Plus Mask Serum; kasama na rin ang Beauté L’ Elixir Skin Set; Beauté L’

Micellaire; Beauté L’ Créme Decollage; C’est Clair Acne Drying Gel; Acne Loin; at La Fraise Gommage Instant White Polish.

Si Cassy, na ini-endorse rin ang Caress Hand Sanitizer Spray, Etré Clair Mouth Spray, Glowtion Instant Tan Lotion at Au Revoir Relax and Revive Lotion, ang ideal brand ambassador ng Facial Care Line ng Beautéderm dahil sa kanyang wholesome image at malakas na reach sa mas batang segment ng merkado na makikita sa kanyang milyun-milyong followers sa social media.

Maliban sa pagiging isang major social media influencer, nagkamit si Cassy ng mas malawak na mainstream recognition nang lumabas siya sa GMA-7 top-rater na First Yaya, kung saan ginampanan niya ang papel ni Nina Acosta, habang co-host siya ng Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition kasama ang kanyang ina na si Carmina Villarroel at kapatid na si Mavy Legaspi mula 2018 hanggang 2021.

“Very welcome addition si Cassy sa Beautéderm and we are thrilled to have her on board,” ayon sa Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na ipinagdiwang kamakailan ang Royale Beauté 12th anniversary ng kumpanya.

“Cassy embodies the vibrancy of youthfulness and this best represents our line of products which are designed and formulated for all ages.”

Si Cassy naman ay nakapaligaya rin ngayong opisyal na siyang Beautéderm brand ambassador.

“I am happy to partner with Beautéderm at sobra akong in love sa kanilang mga produkto. Gustung-gusto ko ang all-natural skin set na Beauté L’ Elixir at part na po ito ng aking daily skin regimen. Aside from being very mild, it smells so great at very effective ito in nourishing and cleansing my skin. I could really feel and see the glow of my skin mula ng ginamit ko itong skin set,” aniya.

AUTHOR PROFILE