Celeste

Hairstylist to the stars Celeste Tuviera, certified YouTuber na

October 17, 2021 Ian F. Fariñas 822 views

Siya ang hairstylist to the A-list stars ng Philippine showbiz tulad nina Maine Mendoza, Angel Locsin, Bea Alonzo, Marian Rivera, pati na rin ni little Zia Dantes.

Siya si Celeste Tuviera, isa sa most sought-after hairstylists sa ’Pinas. In short, na-“Celestified” sila.

Ano bang ibig sabihin ’pag “Celestified” ka?

Bibigyan ka ni Celeste ng kanyang experience, expertise at siguradong makikita’t mararamdaman mong exclusive ito talaga.

‘Yan ang meron si Celeste Tuviera kaya angat siya sa iba. Nagupit, nakulayan at na-style na niya ang mga buhok ng celebs at VIPs na gustong maging sensational, ginagaya at sa true lang, iconic.

“Anybody who would like me to touch their hair, I’d do it. That’s my happiness,” sabi ni Celeste.

Bata pa lang siya, eight years old, gusto na niyang maging hairdresser.

Katabi ng apartment complex ng pamilya niya sa San Juan ay isang beauty parlor. Kaka-observe niya sa mga beautician at assistant doon, na-amaze siya kung paano nila kering-keri na i transform ang buhok ng mga kliyente nila, gamit lang ang mga gunting.

Matagal niyang kinumbinse ang mga magulang niya para pag-aralin siya sa beauty school. Kaso, dapat magtapos muna siya ng kolehiyo.

Pagka-graduate ni Celeste sa kursong Interdisciplinary Studies sa De La Salle University, natupad ang pangarap niyang magtrabaho sa beauty salon — isang family-owned salon.

Na-realize nina Mr. and Mrs. Tuviera na passion talaga ni Celeste ang maging hairstylist. Kaya hinayaan na rin siyang mag-enroll sa prestihiyosong Vidal Sassoon Academy sa Santa Monica, California.

Mondays to Saturdays, nag-aral si Celeste ng cosmetology ng isang taon. Practice rito, aral doon.

Kilala na si Celeste ngayon bilang frequent collaborator ng mga artista pagdating sa kanilang mga crowning glory.

Lahat halos ng mga sikat na artista sa ‘Pinas ay nakatrabaho na niya. Napanood n’yo na ang mga iconic hairstyles na ginawa niya para sa TV, pelikula at TVCs.

Nakita n’yo na ang mga magazine covers ng mga inayusan niya. Baka nga ginamit n’yo pang pegs ang mga bridal hair sa celeb weddings na siya ang hairstylist.

Pati mga VIP na kliyente ni Celeste sa Symmetria Salon sa BGC, na-experience na rin ang kanyang talent at craft.

Ngayon, may fresh, new way si Celeste Tuviera para ikaw din ay ma-“Celestfied.”

Nag-launch siya kamakailan ng kanyang sariling YouTube vlog na “Celestified: The Celeste Tuviera Channel.”

Ang channel ay about empowering people with their stories habang nasa chair ni Celeste.

Laking showbiz siya dahil anak nga siya ni Tony Tuviera, producer ng Eat Bulaga. At ang dami niyang chika.

Ang pinakaunang guest ng “Celestified” ay si Maine. Siya ang naisip ni Celeste dahil nakita niya si Maine mula simula bilang half ng AlDub hanggang sa maging celeb, host at aktres ngayon.

Si Angel ang sunod na guest sa “Celestified.”

Abangan ang next guests gaya nina Bea Alonzo, photographer Mark Nicdao at Teacher Georcelle ng G-Force.

Ang “Celestified: The Celeste Tuviera Channel” ay produced ng AAA Digital, subsidiary ng AAA Management, na nagma-manage sa mga karir nina Marian, Maine, atbp.

Ang AAA Digital ay nagpo-produce ng original, high-quality content online. Sa ngayon, may dalawa silang YouTube Channels: Ang “All Access to Artists” para sa events at special coverage ng AAA artists at ang “Celestified: The Celeste Tuviera Channel.”

AUTHOR PROFILE