JLC

Sitcom ni Lloydie, babalik sa 2023

November 8, 2022 Jun Nardo 327 views

NAKAKALUNGKOT din ang paalaman sa season finale ng GMA sitcom na Happy ToGetHer last Sunday.

Eh, 10 months din itong napanood every Sunday kaya naging viewing habit na ito lalo na sa fans at mga nagmamahal sa lead actor na si John Lloyd Cruz.

But the good news is, magbabalik ang sitcom sa bago nitong season sa January 2023.

Yes, ito ang naging pangako ng Kapuso Network sa lahat ng mga sumusubaybay kay Julian (JLC).

Sa palagay namin, ang papalit sa sitcom ay ang fantasy program na Daig Kayo Ng Lola Ko sa kaparehong timeslot.

Napapanood na ang plug nito, magbabalik ang First Yaya at First Lady loveteam nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez sa episode tungkol sa elf.

Balitang gagawa muna ng movie si Lloydie kapareha ang ka-loveteam niyang si Bea Alonzo ngayong magtatapos na rin ang series ng aktres na Start Up PH.

PASOK SA ‘BIDA DA NEXT’

NADAIG ng vlogger-influencer na si Kimpoy Feliciano ang mga artista, singer at celebs na pasok sa second round ng “Bida Da Next” ng Eat Bulaga.

Eh, sa digital age, parte na ng baguhang celebs na pansinin at palabasin sa TV ang mga vlogger/celeb na ito.

Maging sa Family Feud, contestants na rin ang mga ito, huh!

Bahagi na talaga ng showbiz ang mga vlogger at influencer whether you like it or not, IF!

AUTHOR PROFILE