Gerald

Gerald, handa nang pakasalan si Julia

November 8, 2022 Vinia Vivar 281 views

Inamin ni Gerald Anderson na anytime ay ready na siya to settle down. Siyempre, kanino pa ba kundi sa girlfriend niya ngayon na si Julia Barretto?

Sa panayam kay Gerald sa isang online content ng ABS-CBN titled “Reigning Men,” isa sa mga napag-usapan ay kung ready na siya to settle down.

“Anytime soon, oo naman. Ako mismo, siyempre, ready ako,” diretso niyang sagot.

Sinabi rin niyang malapit na siyang pumunta sa ganu’ng estado.

“Gusto ko ‘pag nag-settle down ako, wala na akong ibang iisipin. Future ng mga anak ko, secure na, future ng asawa ko, secure na. And malapit na tayo do’n,” he said.

Seryoso na nga si Gerald kay Julia.

Deskripsyon niya sa girlfriend, “She is the love of my life. ‘Yung pagiging supportive niya sa akin, eh, kakaiba. So, I think ‘yun ‘yung key factor kung ba’t ang dami naming nalampasan. Sobrang tibay namin is dahil din sa kanya.”

Nasa point daw sila ngayon na napakaganda ng kanilang sitwasyon.

“Kung ano ‘yung sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung mahihigitan pa namin dahil sobrang napakaganda ng sitwasyon naming dalawa ngayon,” aniya.

AUTHOR PROFILE