Default Thumbnail

Sikyu huli dahil sa qualified theft

January 9, 2022 Jonjon Reyes 348 views

WALA ng nagawa at hindi na nakapalag pa nang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang security guard na wanted sa qualified theft nang posasan ito Biyernes ng gabi sa Paco, Manila.

Nakilala ang suspek na si Ronilo Balog Ticmon, 31, may asawa, at residente ng 1314 Pedrigon St., Barangay 681 – Zone 88, Paco.

Base sa ulat ni P/ Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ( DSOU) ng MPD, bandang 10 p.m. nang arestuhin si Ticmon sa loob ng binabantayan nitong South Mansion Bldg. sa Pedro Gil. St., Paco.

Kasama ni Pura ang deputy Chief na si P/Major Dave Garcia at ilan nitong tauhan ng arestuhin ang suspek bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judfe Ma. Caridad SJ Villamor – Yee, Regional Trial Court Branch 237 ng Makati City.

Kasalukuyang nakakulong sa MPD ang suspek. May nakalaang piyansa na P24, 000 para sa kanyang provisional liberty.

AUTHOR PROFILE