arnold

Showbiz personalities na lalahok sa eleksyon dumarami

September 25, 2021 Aster Amoyo 191 views

HABANG papalapit ang filing ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2022 national and local elections, unti-unti na ring nagsu-surface ang ibang mga kandidato na gustong pumalaot sa mundo ng showbiz.

Ang businessman, national director ng Miss World Philippines at talent manager na si Arnold Vegafria ay tatakbo sa pagka-mayor ng Olongapo City habang ang isa sa kanyang mga alaga na si Claudine Barretto ay kakandidato naman sa pagka-konsehal ng nasabing siyudad. Nagtataka naman ang iba kung bakit sa Olongapo tatakbo ang aktres samantalang sa Quezon City ito nakatira.

Kung marami na ang nagdeklara ng kanilang kandidatura, marami-rami rin from showbiz ang tatakbo sa 2022 elections at kasama na rito ang dating child actor na si Nash Aguas (sa Cavite) at ang ex-PBB housemate-turned actor na si Ejay Falcon sa Oriental Mindoro.

Sa October 8 malalaman kung sinu-sino ang mga kandidato sa darating na halalan.

Tatlong presidentiables na ang nagdeklara, sina Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao at si Manila Mayor Isko Moreno habang hinihintay naman ang pagdi-deklara nina Davao Mayor Sarah Duterte, Vice-President Leni Robredo at dating Sen. Bongbong Marcos.

Muli namang tatakbo sa pagka-senador si dating Sen. Jinggoy Estrada. Kandidato rin sa pagka-senador si DPWH Sec. Mark Villar maging ang dating Vice-President na si Jojo Binay. Kandidato rin sa pagka-kongresista ng ika-limang distrito ng Quezon City si Aiko Melendez at kongreso rin ang target ng kanyang nobyo, ang Vice-Governor ng Zambales na si Jay Khonghun, Change positions naman ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez. Si Richard ang tatakbo sa pagka-kongresista at si Lucy naman sa pagka-mayor ng Ormoc, Leyte.

Si dating Laguna governor E.R. Ejercito ay muling tatakbo sa pagka-governor ng Laguna at ang misis niyang si Maita naman ay muling kakandidato sa pagka-mayor ng Pagsanjan, Laguna.

Tahimik pa rin hanggang ngayon ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista kung ito’y muling papasok sa pulitika.

Of course, there are more celebrities na muling papalaot sa political arena. Vico Sotto will seek reelection bilang mayor ng Pasig gayundin ang pinsan nitong si Gian bilang vice-mayor ng Quezon City. Si Gian ay kaisa-isang anak na lalake nina Senate President Tito Sotto (na tatakbo sa pagka-bise presidente) at ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa. Balitang tatakbo rin ang mga Youtube personalities na sina Raffy Tulfo at Doc Willie Ong sa pagka-bise presidente.

SittiSitti1Sitti2Sitti nanganak sa pangalawa

BOSSA nova singer and stage actress Sitti Navarro gave birth to her and husband Joey Ramirez’ second baby, another girl na si Osseah Lucille, via Caesarian section (CS) last September 23, 2021, four days earlier sa kanyang due date. Ang eldest daughter ng couple na si Issiah Danielle ay isinilang nung November 4, 2018.

Ang mag-asawang Sitti at Joey ay ikinasal nung May 29, 2015 sa Baguio Country Club.

For sometime, si Sitti ay naging bahagi ng “ASAP Sessionistas” on “ASAP” now “ASAP Natin `To”.

Unknown to many, si Sitti ay tinanghal na Miss Visayas 2001 at Miss Travel Girl 1st runner-up plus Search of Miss Silka’s Best in Swimsuit and Miss Friendship. She started singing at age 16. Nakagawa rin siya ng ilang plays at kasama na rito ang “Katy! The Musical” na ginanap sa Harbon Garden Tent ng Sofitel Philippine plaza nung December 27, 2008 where she played the role of Mary Walter. The said stage musical also featured KC Concepcion, Jericho Rosales, the late Eugene Villaluz, Rachel Alejandro, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Frenchie Dy, Gian Magdangal, Gab Valenciano, Mitch Valdez and Jennylyn Mercado.

Si Sitti ay nagtapos ng Business Economics sa University of the Philippines nung 2005 and she was a dean’s lister. She graduated valedictorian naman nung high school sa Saint Francis of Assisi College in Las Pinas City.

Sitti recorded ten albums – 7 studio albums, two live albums and one compilation album.

Rabiyarabiya1Miss Universe Philippines tuloy na

MATAPOS maurong ang petsa ng grand coronation night ng 2021 Miss Universe Philippines na dapat sana’y kahapon, September 25, araw ng Sabado, matutuloy na rin ito sa wakas sa darating na Huwebes, September 30 sa Henann Resort Convention Center in Panglao, Bohol. Twenty-eight candidates ang maglalaban-laban for the crown na nakatakdang ipasa ng 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Ang mananalong Miss Universe Philippines ay magiging kinatawan ng Piilipinas sa ika-70th Miss Universe sa Eilat, Israel sa Disyembre with Steve Harvey hosting the event. Ang 2020 Miss Universe na si Andrea Meza ng Mexico ang magpuputong ng korona sa tatanghaling Miss Universe.

Ang Miss Universe Philippines Organization ay pinamumunuan ng National Director, ang 2011 Miss Universe 3rd runner up na si Shamcey Supsup-Lee.

Kit1KitKit ‘di nawawalan ng project

FILIPINO-Kiwi ex-PBB Teen Edition housemate (2012)-turned actor Kit Thompson was away for almost four years nang siya’y magtungo ng New York City, USA kung saan siya nag-aral sa New York Film Academy then moved to Los Angeles, California. He was a working student. Pero kahit nasa Amerika na siya, he was contacted by Star Cinema to be part ng mega hit movie na “The Hows of Us” na tinampukan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla in 2018. Ito’y nasundan ng “Belle Douleur” in 2019 and “MOMOL Nights” on the same year.

Magmula nang bumalik na Pilipinas si Kit ay hindi na halos ito nawawalan ng proyekto both sa TV at sa pelikula.

Kasalukuyang tumatakbo ang primetime TV series na “La Vida Lena” sa Kapamilya Channel kung saan niya mga kabituin sina Erich Gonzales, JC de Vera at Carlo Aquino.

LassyShowing naman ngayong October 1 sa Vivamax ang pelikulang “Sarap Mong Patayin” na tinatampukan din ng dating beauty queen na si Ariella `Ara’ Arida at ang stand-up comedian-actor na si Lassy Marquez ng Beks Batallion. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap. Simula rin sa October 1 ay mapapanood na ang Vivamax sa Australia, Brunei, Indonesia, Macau, Maldives, New Zealand, South Korea, Thailand at Vietnam. Ito’y bukod pa sa Middle East (UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain and Qatar), Japan at iba pang bansa.

First time na nakatrabaho ni Kit si Direk Darryl at ang bumubuo ng cast and it was quite an experience for him.

Tiniyak ni Direk Darryl na ibang Ara Arida, Lassy at Kit ang mapapanood sa “Sarap mong Patayin”.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE