Jillian Carmina Villarroel at Jillian Ward

Show ni Jillian pinuna, GMA execs nag-sorry sa Baliwag mayor

February 20, 2024 Eugene E. Asis 119 views
Jillian1
Jillian Ward
Jillian2
GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria (left) at “Abot Kamay Na Pangarap” executive producer Joy Lumboy-Pili with Baliuag Mayor Ferdie Estrella (center)

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at “Abot Kamay Na Pangarap” executive producer Joy Lumboy-Pili sa tanggapan ni Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella kahapon (February 19).

Ito ay para personal na humingi ng paumanhin sa alkalde kasunod ng pagpuna sa isang episode ng serye.

Nagamit ang pangalan ng lugar bilang salitang kolokyal na iniugnay sa katagang ‘baliw’ sa isang eksena nina Jackielou Blanco at Pinky Amador (naipalabas noong February 14, Araw ng mga Puso). Nakarating diumano ito sa kaalaman ng alkalde ng Baliwag (o Baliuag) na si Mayor Ferdie at hindi nito ito nagustuhan. Tinawag pa nitong iresponsable ang writer ng naturang programa.

Dahil dito, naglabas ng statement ang lungsod bilang pagdepensa at pagsalag sa inaakala nilang makasisira sa imahe ng kanilang mahal na lugar.

Malalim at mayaman ang legasya ng lungsod pagdating sa kasaysayan ng bansa. May ugat dito (Baliuag) ang mga bayani tulad ni Mariano Ponce, propagandista ng rebolusyon laban sa mga Kastila at kaibigan nina Jose Rizal at Juan Luna, gayundin ang maraming kilala sa larangan ng sining at entertainment tulad nina Bert ‘Tawa’ Marcelo, Manila Vice Mayor Yul Servo, Batangas Vice Governor (at boyfriend ni Kris Aquino) Mark Leviste, actor Cris Villanueva, comedian Empoy Marquez at iba pa.

Nakarating ito sa pamunuan ng GMA7 at gumawa naman sila ng isang formal statement kung saan sila humihingi ng paumanhin.

At personal pang pumunta sa tanggapan ni Mayor Estrella ang dalawang GMA executives upang ipaabot ang kanilang pahayag.

Mainit namang tinanggap ni Mayor Ferdie ang mga kinatawan ng programa.

Sinabi rin ng alkalde na masugid na manonood ng “Abot Kamay Na Pangarap” (na tinatampukan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel) ang kanyang mga nasasakupan kaya nakarating sa kanya ang tungkol sa nasabing eksena.

AUTHOR PROFILE