Rita

Rita at Ken muling nagkabati, heart to heart na nag-usap

February 20, 2024 Aster Amoyo 111 views

NAGKABATI na ulit ang dating magka-loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Kinuwento nila kung paano naganap ang aminan ng feelings sa isa’t isa, ang kanilang hindi pagkakaunawaan, at pagbabalik ng maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

Ayon kay Rita, pinaghandaan niya ang pagsabi ng nararamdaman niya para kay Ken.

“Gumastos ako. Nagpa-reserve lang naman ako ng isang cottage tapos kami lang naka-reserve that day so sa amin ‘yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula tapos may naka-set up na picnic,” sey ni Rita.

Sey naman ni Ken: “Through letters, tapos ‘yung sulat sobrang liliit, tapos binasa niya sa harap ko while she’s crying.”

Inamin ng dalawa na mahal nila ang isa’t isa pero pinili raw ni Ken na hindi mapunta sa relasyon ang kanilang samahan.

“Ang sabi ko, thank you. But I’m sorry. I was not ready. I was starting my businesses. Sabi ko sa kanya, hindi pa ako handa. Kasi kung magsisinungaling, sige let’s do this, and I am not ready, mas lalo ko siyang masasaktan.

Sey ni Rita: “May part na kahit triny lang ng kaunti, hanggang saan aabot. At least nagawa kaysa marami kang what ifs.”

Pag-amin ng dalawa, may isang taon silang hindi nag-usap bago mabalik ang kanilang friendship.

“It really took us time bago kami maging ganito ulit na nakakapag-usap kami, na puwede kami magtabi,” sey ni Rita.

Sumikat ang tambalang BoBrey at RitKen dahil sa teleserye nila Ken at Rita na My Special Tatay noong 2018. Nasundan ito ng mga teleseryeng One Of The Baes (2019) at Ang Dalawang Ikaw (2021).

Heart hirap makakuha ng tunay na kaibigan sa fashion world

HeartINAMIN ni Heart Evangelista na mahirap makakita ng tunay na kaibigan sa mundo ng showbiz at fashion na kanyang kinabibilangan.

“I’m really tired … I’m tired but happy. It’s fulfilling, kasi, but when you have moments that you know you just want real friends, it’s hard,” sabi ng Kapuso actress at fashion icon sa ginanap na ambassadorship launch ng GCash.

Kaya ang pamilya raw ang sinasandalan ni Heart.

“Kasi, you feel misunderstood, but at the end of the day, you go back to your family, and that should be enough. If people love you, they love, but if they don’t, then they don’t.”

Sa naturang event naging emosyonal si Heart nang mapag-usapan ang kahandaan niya na magkaroon na ng sariling anak.

“I feel like if there’s any moment that I should be blessed with a baby, it should be now because I feel like I’m ready as a person, and I would be able to give more,” sey ni Heart.

Noong August 2023, naglabas ng saloobin si Heart tungkol sa ginawa umanong pagtataksil ng mga kaibigan, ito ay ang ex-glam team na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar.

Mike Lacanilao pumanaw na

MikePUMANAW na sa edad na 88 ang veteran broadcaster at dating anchor ng GMA Balita na si Mike Lacanilao.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng asawa ni Mike na si Anna Francisca Castañeda-Lacanilao, ayon sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Lunes.

Naging co-anchor noon si Mike ng GMA Balita, na isa sa mga news and public affairs shows ng Kapuso network noong 1990s.

Siya rin ang presidente ng Febias College of Bible mula 1976 hanggang 1982.

Nagkaroon ng joint memorial service para kay Mike na gagawin sa Greenhills Christian Fellowship sa Ortigas ngayong Martes, Feb. 13.

Bubuksan naman sa publiko ang kaniyang burol sa Huwebes, sa Sucat, Parañaque bago siya ihatid sa huling hantungan.

AUTHOR PROFILE