Alex

Alex sablay ang pangpa-prank kay Carla

February 19, 2024 Vinia Vivar 109 views

Wagas ang ginawang prank ni Alex Gonzaga sa kanyang latest vlog kasama si Carla Abellana.

Ang buong akala kasi ng Kapuso actress ay ipa-prank nila ang Uncle Jojo ni Alex pero ang hindi niya alam, siya ang totoong pina-prank ng mag-tiyuhin.

Ang senaryo ay isinet-up ni Alex ng blind date sa Valentine’s Day si Carla at ang kanyang Uncle Jojo.

Sa umpisa ay kinasabwat ni Alex si Carla at pinaniwalang ipa-prank nila ang tiyuhin.

Base sa script na ginawa ni Alex, ire-reject ni Carla ang Uncle Jojo niya at pasasamain ang loob.

Game namang pumayag ang ex-wife ni Tom Rodriguez.

So um-acting na nga si Carla at nag-drama na hindi umano niya alam na blind date pala ito at naglintaya na hindi pa siya ready na magmahal ulit, blah blah blah.

In other words, basted agad si Uncle Jojo at ito naman din ang pinag-usapan nila ni Alex.

Ang hindi alam ni Carla, ang totoong kasabwat ni Alex ay ang kanyang Uncle Jojo.

Nang i-reveal na nina Carla at Alex kay Uncle Jojo na “it’s a prank,” dito na nagdrama ang tiyuhin.

Kunyari ay napaiyak pa siya sa masasakit na sinabi ng Kapuso actress.

Sorry naman ng sorry si Carla at sinabi niyang joke lang lahat ang kanyang mga sinabi.

“Sorry po, Uncle. It’s a joke po ‘yun. Alam ko po ito lahat, Uncle. At ‘yun po ang aming objective talaga – na ipa-awkward po kayo at pasamain ang loob n’yo,” sey ni Carla.

“Pero ang sakit mo ring magsalita,” sabi naman ni Uncle Jojo kay Carla.

Panay pa rin ang paliwanag ng aktres sa tiyuhin ni Alex.

May acting pa si Uncle Jojo na namumula sa galit kay Alex at sey pa niya, “Nawalan kayo ng respeto kasi.”

In fairness kay Carla, kalmado naman siya kahit nagalit na sa kanya ang tito ni Alex.

Later ay ni-reveal na ni Alex kay Carla na prank lang lahat ito at sabi naman ng aktres, parang nahalata na nga niya na siya na ang pina-prank nila.

“Ang galing ni Uncle, namumula talaga siya. Medyo naramdaman ko nga po na ako na ‘yung pina-prank, eh,” sey ni Carla.

Nahalata umano niya na pina-prank siya dahil masakit na ring magsalita ang uncle ni Alex.

Sobrang thankful naman ng vlogger/actress na pumayag si Carla sa first collaboration nilang ito.

AUTHOR PROFILE