Chie Larawan mula sa IG/Chie Filomeno

Chie may abs na naglalagablab

February 19, 2024 People's Tonight 91 views

IBINANDERA ng former member ng girl group na GirlTrends at aktres na si Chie Filomeno ang kanyang hourglass at toned body.

Sa isang Instagram post ng aktres, ibinahagi niya ang ilang bikini photos habang nakasalampak sa tabi ng swimming pool.

“Night swimming,” ayon sa maikling caption ng aktres sa kanyang post.

Suot ni Chie ang white two-piece swimsuit na talaga namang angat ang kanyang kaseksihan. Sa isa pa ngang larawan ay todo pose ang aktres habang ipinapakita ang nakakasilaw niyang legs.

Pasabog din ang abs ni Chie na pinanggigilan sa comment section ng mga netizens. Sey pa nga nila: “Hottie evening,” “The abs!! I need palaman Mama,” “saur hot, miss ma’am,” at “DANG SLAY!”

AUTHOR PROFILE