Michelle Larawan mula sa IG/Michelle D

CAVE QUEEN

February 19, 2024 People's Tonight 121 views

SA isang kuweba sa Bohol piniling umawra ng beauty content creator na si Michelle Dy.

Ibinida ng kilalang YouTuber sa kanyang Instagram ang suot na crocheted bra at tapis. May bonus pang pasilip ng kanyang side boob.

Nag-apoy ang comment section ni Michelle. Maging ang kanyang mga kapwa influencer ay nawindang sa pagpapainit ng social media star. Ang mga comments: “Cave Queen,” “Ang hot mama! Grabeeee,” “SO HOT,” “ITS GIVING!!,” at “Dyosa ng YouTube eme.”

Hindi lang sa makeup magaling ang social media personality, magaling din itong maging pampagana sa taglay niyang kariktan at perpektong kurba.

AUTHOR PROFILE