Sharon

Sharon, sumama sa pangangampanya ni Kiko

February 24, 2022 People's Tonight 493 views

SUMAMA sa unang pagkakataon si Sharon Cuneta sa kampanya ng asawang si Senator Kiko Pangilinan sa Tarlac at Pampanga nitong nakaraang mga araw. Nakarating ang Megastar hanggang Talisay, Cebu.

Ang huling pangangampanya ni Shawie ay nang kumandidato ang Kuya Chet niya bilang mayor ng Pasay City.

Wala rin kaming natatandaang ikinampanya ng Megastar ang asawa nang tumakbo ito bilang senador. Nanalo si Kiko bilang senador nang hindi lantarang nangampanya si Shawie.

Iwas kasi si Sharon na maakusahan ang asawa na ginagamit siya sa political career nito.

This time, hayagan na ang pagsuporta ng megastar sa asawa.

Umaasa na lang ang Megastar na walang magiging isyu sa kanila ng kanyang Uncle Tito Sotto at sa pamilya niya na kalaban ni Sen. Kiko sa posisyon ng VP. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE