Senglot File photo ni JONJON C. REYES

Senglot muntik todasin kapatid dahil walang pagkain

May 25, 2024 Jojo C. Magsombol 91 views

ISANG lalaking lasing ang nalambat ng mga pulis matapos pagtatagain ang ka-live-in ng kanyang kapatid sa Sitio Sarimanok, Brgy. San Isidro, Antipolo City.

Kinilala ang suspek na si alyas Kristmark, ayon sa mga otoridad ng Antipolo.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nangyari ang pananaga bandang ala-1:30 ng umaga nang pumasok sa bahay ng kanyang kapatid na babae ang lasing na suspek at naghanap ng makakain.

Hindi nagtagal, lumabas ang suspek na mukhang galit.

Nang maisip ni Jessa Tumangday Hallares, 33, na umalis na ang kapatid niya, lumabas siya para tingnan ito pero naghihintay na pala ang suspek at pinagpapalo ito.

Nakapormang totodasin na ng suspek ang kapatid ng pumagitan si Joselito Lim Comabig, 34, ang live-in partner ng babae, kaya siya ang tinamaan.

Tumakas ang suspek patungo sa kanyang tirahan matapos ang insidente.

Humingi ng saklolo si Tumangday sa mga otoridad kaya naaresto agad ang suspek.

Sasampahan ang suspek ng mga kasong attempted homicide at frustrated homicide, ayon sa Antipolo police.

AUTHOR PROFILE