Sen. Win at Bianca kasal na lang ang kulang

December 1, 2022 Aster Amoyo 158 views

IS Sen. Win Gatchalian the marrying type?

The bachelor senator is 48 and turning 49 on April 6, 2023 habang ang kanyang longtime girlfriend, ang dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo turned 36 last November 28.

Four years na ring magkasintahan sina Sen. Win at Bianca kaya may nagsabi tuloy na baka hihintayin pa umano nito na umabot siya ng 50 years old bago siya mag-propose kay Bianca o baka naman wala rin itong balak na mag-asawa pa.

Ang ex-girlfriend ni Sen. Win na si Pauleen Luna is now happily married sa veteran singer-songwriter, host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto at meron na rin silang anak, si Tali Sotto (5).

Samantala, kasama ni Bianca si Sen. Win sa pag-celebrate ng kanyang 36th birthday last November 28.

Coco

Coco at Jodi enjoy sa pagsasama

SINA Coco Martin at Jodi Sta. Maria ay iisa ang manager ngayon, si Biboy Arboleda kaya hindi naging mahirap ang pagsasama ng dalawa sa upcoming Metro Manila Film Festival Movie entry na “Laybu with an Accent” na magkatulong na dinirek nina Coco at Malu Sevilla under Star Cinema.

Coco admits na hanga umano siya sa husay bilang actress ni Jodi at gayundin si Jodi kay Coco hindi lamang bilang actor kundi bilang director din.

First team-up nina Coco at Jodi ang “Labyu with an Accent” na ang ibang mga eksena ay kinunan sa Amerika while Coco and company was in the middle of their “Ang Probinsyano” `Thanksgiving Concert Tour sa iba’t ibang bahagi ng Amerika particularly in California and in Hawaii. May special participation sa nasabing pelikula ang L.A. based actresses na sina G. Tongi at Donita Rose.

Kasama rin sa movie sina Jacclyn Jose, Nikki Valdez, Joyce Pangilinan, Nova Villa, Joross Gamboa at ilang mga kasamahan dati ni Coco sa kanyang top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Ang mga ito ay sina Michael de Mesa, Sancho de las  Alas, Mark Solis at iba pa.

Enjoy ang grupo ni Coco kasama ang dati niyang mga kasamahan sa “Ang Probinsyano” na naging barkada na rin niya dahil bukod sa trabaho (shoot and concert tour) kung saan sila kumita ay nagkaroon pa umano sila ng pagkakataon na mapalapit sa ating mga kababayan na sa Amerika. Sobra umanong napaka-generous ng mga ito kaya umuwi silang maraming naiuwing pasalubong na bigay sa kanila ng ating mga kababayan sa Amerika.

“Sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso,” pahayag ni Mark Solis.

Since action drama ang tema ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” binago totally ni Coco ang “Labyu with an Accent” na purely romantic-comedy-drama ang tema at hindi umano niya hinaluan ng action.

“Gusto ko na paglabas ng mga tao sa sinehan ay masaya sila at magaan ang pakiramdam,” ani Coco.

Samantala, natutuwa si Jodi dahil bukod sa first time niyang katrabaho si Coco bilang co-actor at director sa pelikula, pansamantala muna siyang pahinga sa mga heavy drama projects na ang pinakahuli ay ang hit drama adaptation ng BBC series na “Doctor Foster” at ginawang “The Broken Marriage Vow” sa Pilipinas kung saan nakatrabaho ni Jodi sina Zanjoe Marundo, Zaijian Jaranilla at Sue Ramirez at iba pa.

Rufffa

Ruffa, Mariel at Ciara nag-share sa iisang lalake

ALTHOUGH first time nilang katrabaho ang isa’t isa sa “M.O.M.S.” as hosts na sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez-Padilla at Ciara Sotto, hindi ikinakaila ng tatlo na nagkaroon umano sila ng instant rapport at chemistry sa unang araw pa lamang ng kanilang taping.

Naging boyfriend noon ni Ruffa ang mister ngayon ni Mariel na si Sen. Robin Padilla. Naging ex-boyfriend din nina Ruffa at Ciara ang actor na si John Lloyd Cruz.

Thankful pare-pareho sina Ruffa, Mariel at Ciara sa pamunuan ng ALLTV dahil silang tatlo ang naisip na pagsama-samahin sa isang daily morning talk show, ang “M.O.M.S. (Mhies On A Mission)” na napapanood tuwing alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa ALLTV ng AMBS.

VinaVina

Vina may bagong boyfriend

MARAMING kaibigan ang natutuwa sa singer-actress at entrepreneur na si Vina Morales dahil muli itong inspired ngayon with a new boyfriend na tila American na kanyang kasama sa Boracay recently.

Although hindi pa ina-identify ni Vina ang kanyang bagong inspirasyon, he met the guy 21 years ago in Hawaii when she had a show sa nasabing lugar. Muli silang nagkatagpo in Miami, Florida when she had a show there recently. Hindi pa masabi sa ngayon ng nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao kung itong bagong guy na nga ang kanyang `the one’.

Sa ngayon ay ini-enjoy na muna ni Vina ang mga happy moments nilang dalawa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE