Richard

Chard at Sarah, posibleng magka-baby no. 3 sa London

December 1, 2022 Vinia Vivar 258 views

Kasalukuyang nasa London ang mag-asawang Richard Gutierrez and Sarah Lahbati base sa IG post nila kahapon. At ayon sa aktor, “alone time” nila ito which means hindi kasama ang dalawa nilang anak.

Nag-post si Chard ng larawan nila ni Sarah habang naglalakad sila sa kalye at ang caption, aniya, “Finally some alone time with you in a beautiful city we’ve never been to before.”

Patuloy ng aktor, kahit busy sila as parents ay nagagawa pa rin nilang magkaroon ng “alone time” to keep the flame burning.

“As busy parents, we’ve promised ourselves to always make alone time for each other, either through taking trips, exploring new places or just going on date nights to continuously rediscover each other. We figured out that getting lost together is as important as growing together. Keep the flame burning,” ani Chard.

Initially, nagpunta ang mag-asawa sa London para dumalo sa 60th anniversary ng isang brand ng watch base na rin sa mga previous post nila.

On the side ay isinabay na nila marahil ang “alone time” nila.

Well, hindi malayong makabuo ng baby number 3 ang mag-asawa habang nasa London.

Noon pa nababanggit ni Sarah na gusto na niya ulit magkaroon ng bagong baby at hopefully ay girl naman.

Malaki na nga naman ang youngest son nilang si Kai who is now four years old. Ang panganay nilang si Zion ay nine years old na.

AUTHOR PROFILE