Bong

Sen. Bong, maganda ang pasok ng bagong taon

January 3, 2024 Ian F. Fariñas 214 views

NAPAKAGANDA ng pasok ng 2024 para kay Senator Bong Revilla dahil tumaas ang ranking niya mula ninth, naging sixth place sa latest 2025 senatorial preference survey ng OCTA Research mula December 10 to 14, 2023.

“Napakaganda po ng pasok ng taon para sa atin sapagkat damang-dama ko po na patuloy tayong pinagkakalooban ng tiwala ng ating mga kababayan,” anang senador-aktor.

“Marahil ay dulot ito ng pagbubunga ng ating mga pagsisikap sa Senado para makapagpasa ng mga makabuluhang batas na malaki at direkta ang mga benepisyo para sa mamayanang Pilipino,” dagdag ni Sen. Bong.

Impressive naman talaga ang track record ng mister ni Lani Mercado dahil bilang three-term senator, patuloy siyang naglilingkod sa taumbayan sa pamamagitan ng pagiging principal author ng iba’t ibang Senate Bills tulad na lamang ng Senate Bill No. 2028 o ang “Revilla Bill,” na naglalayong i-expand ang coverage ng Republic Act No. 10868 o “Centenarians Act of 2016” sa senior citizens mula 80 hanggang 90 anyos.

Approved na ito ng both Houses at naghihintay na lamang ng pirma ni Presidente Bongbong Marcos.

Si Sen. Bong din ang principal author ng Senate Bill No. 1964 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act,” na mag-i-institutionalize sa annual teaching allowance ng public school teachers.

Ginawa niya itong permanente at itinaas mula P5,000 hanggang P7,500 (S.Y. 2025-2026) at P10,000 (S.Y. 2026-2027).

Isinusulong din niya at ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang P150 across-the-board daily wage increase.

Kabilang naman sa mga naipasa nang panukala ni Sen. Bong ang Motorcycle Helmet Act of 2009 (RA 10054), Grant of Night Differential Pay to Government Employees (RA 11701) at Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death and Marriage Act (RA 11909).

Kaya naman pangako niya, “Hinding-hindi po natin sasayangin ang malaking tiwala sa atin ng ating mga kababayan. Patuloy po akong magsusumikap na maglingkod sa bawat isa sa pamamagitan ng pagtulong at pagsusulong ng mga nararapat na batas upang mapaunlad ang buhay ng bawat isa. ‘Di ko po sasayangin ang mandatong ipinagkaloob sa akin ng sambayanang Pilipino.”

AUTHOR PROFILE