Frasco JOINT FORCES–Pinangunahan nina DOT Secretary Christina Garcia Frasco at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong pinansyal at pagsasanay sa ilalim ng “Bayanihan sa Bukas na May Pag-asa para sa Turismo” (BBMT) sa Mati City, Davao Oriental.

Sec. Frasco nanguna sa BBMT launch sa Mati

May 28, 2024 Jonjon Reyes 153 views

PINANGUNAHAN nina Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang paglulunsad ng “Bayanihan sa Bukas na May pag-asa para sa Turismo” (BBMT) project.

Collaborative initiative ng DOT at DSWD ang BBMT na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal at pagsasanay sa mga nawalan ng bahay sa mga nagdaang sakuna sa Mati City, Davao Oriental.

Namahagi si Garcia Frasco ng training grants para sa Basic Hilot, Beads and Artworks, Bread and Pastry Making, Detergent-Making Workshop, Candle-Making at Massage Oil-Making

Namigay naman ng cash assistance si Gatchalian sa mga apektadong manggagawa at kanilang pamilya.

Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mga tao sa Baganga, Boston, Caraga, Governor Generoso, Lupon, Manay, Mati, at Tarragona sa Davao Oriental at sa mga tao sa Maco, Maragusan, New Bataan, Nabunturan, Monkayo at Pantukan sa Davao de Oro.

Kasunod ang inisyatiba ng BBMT ng malakas ulan Pebrero. Dahil sa malakas na ulan, nagdulot ng malawakang pagbaha sa buong Mindanao at lumubog ang malaking bahagi ng lalawigan sa baha.

Kabilang sa mga opisyal ng DOT na kasama ni Secretary Frasco sa event sina Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano, Assistant Secretary Rica Bueno at Region XI Director Tanya Virginia Rabat-Tan.

Kasama din ni Gatchalian sina DSWD Undersecretary Diane Cajipe at Region XI Director Vanessa Goc-ong.

Dumalo din ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa okasyon si Gob. Niño Sotero L. Uy, Jr. ng Davao Oriental, Gob. Dorothy M. Gonzaga ng Davao de Oro, Gob. Santiago B. Cane, Jr. ng Agusan del Sur, Davao Oriental District 1 Rep. Nelson Dayanghirang Sr., Davao Oriental District II Rep. Cheeno Miguel Almario at Mati City Mayor Michelle N. Rabat.

AUTHOR PROFILE