SeaOil, Potentia Holdings Inc., magkasangga sa itatayong mga electric vehicle charging station

August 8, 2022 People's Tonight 138 views

LUMAGDA ang mga nagsusulong ng electric vehicle at charging stations sa Memorandum of Agreement nakaraang Hunyo 22, 2022 para sa hangaring pasiglahin ang electric vehicle at iba pang related projects partikular ang pagtutok sa mga charging station sa bansa.

Kabilang sa lumagda sa kasunduan ay ang locally-based petroleum company na Seaoil Philippines Inc., na kinatawan ni Mr. Mark Anthony Yu, Chief Financial Officer at President for Retail partnering with Potentia Holdings Inc. (PHI), na nirepresenta ni Chairman Mr. Louie Kaw. PHI’s consortium, kabilang ang GM Energy Construction Philippines Inc. (GM), Malayan Pacific Power Holdings Corp. (MPPH) at Amsteel Structures Inc., na kasama rin sa pagbuo ng kasunduan.

Ang mga nabanggit na kompanya ay ni-represent ng kanilang mga signatories na sina Mr. Ariel Nepomuceno (MPPH), Mr. James Shin (GM) at Mr. Louie Kaw (Amsteel).

Ang bawat panig ay nagkasundo na pangasiwaan ang pagpapalakas sa mga electric vehicle supercharger facilities bilang paghahanda sa sumisiglang electric vehicle sa local market.

Plano ng Seaoil na may mahaba nang karanasan sa petroleum distribution industry bilang partner ng PHI PHI na ipakilala at i-develop ang mga EV charging station sa bansa.

AUTHOR PROFILE