Relyebo

Sean, gustong sumabak sa drama

October 15, 2022 Vinia Vivar 265 views

Dahil nakakadalawang international best actor awards na si Sean de Guzman ay natanong ang aktor kung may balak na ba siyang tumigil sa paggawa ng sexy films.

“Siguro,” sagot ni Sean sa mediacon/screening ng Relyebo. “Gusto ko kasing ma-try lahat, eh. As an actor, hindi lang tayo dapat nag-i-stick sa isang genre.”

Dagdag niya, “Kailangan nating maging flexible. Kailangan nating maging versatile. So, yeah. Papasukin muna natin ang drama.”

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay tuluyan na niyang tatalikuran ang pagpapa-sexy.

“Hindi ko naman kakalimutan like tatalikuran ko na talaga na hindi na ako maghuhubad. Kung maganda naman ‘yung piyesa, kung maganda naman ‘yung script, why not? Kung kinakailangan du’n sa eksena na mapaganda ‘yung eksena, gagawin natin,” sey ni Sean.

Nasungkit ng aktor ang dalawang best actor awards sa recently concluded International Anatolian Film Awards at Chithiram International Film Festival sa India para sa pelikulang Fall Guy.

Samantala, all praises kay Sean ang direktor niya sa Relyebo na si Crisanto Aquino. Para kay Direk, nakikita niya ang aktor bilang next Coco Martin.

Kasalukuyang napapanood ang Relyebo sa Vivamax. Kasama ni Sean dito sina Christine Bermas, Jela Cuenca, Lara Morena at Jeric Raval.

AUTHOR PROFILE