WHAT'S NEW

SEE ALL
inton

School service katuwang sa ligtas na F2F classes

July 21, 2022 Jun I. Legaspi 303 views

ANG mga tricycle at school service ay mga mahahalagang bahagi ng pampublikong transportasyon lalo na sa napipintong pagbabalik ng face-to-face (F2F) classes sa bansa, ayon sa isang commuter at transport group.

Kamakailan ay inanunsiyo ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio ang pagbubukas ng mga paaralan sa Agosto 2022 kabilang ang in-person o limited na F2F classes.

Bunsod nito, maaaring muling bumiyahe ang mga school bus, mga ibang sasakyang school service kabilang rin ang mga tricycle na ginagawang pangsundo at hatid sa mga estudyante.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), pinaghahandaan din ng mga transport officials ito dahil mahalaga na ligtas at maalwan na pagbiyahe ng mga mag-aaral, guro, at mga non-teaching personnel.

Ayon kay Inton, dapat pagtuunan ng pansin ang mga tricycles dahil may daang-libong public school students ang sumasakay dito araw-araw papunta sa paaralan o kaya bago lumipat o sumakay ng bus, jeep, o taxi.

Ang mga local government units (LGUs) ang may pamamahala sa mga ito kayaโ€™t kinakailangan na ipulong na ng mga LGU ang mga TODA (Tricycle Operators and Drivers’ Association), school principals, at mga PTA (Parents-Teachers Associations) officials para dito.

Pangunahing issue ay ang โ€œoverloadingโ€ ng mga pasaherong estudyante. โ€œMaraming โ€œpasawayโ€ na tricycle ang nagsasakay ng walo o sampung estudyante. Baka sabit pa ang ilan kada biyahe. Mas malaki kita nga pero mas mapanganib,โ€ ayon kay Inton.

Dagdag pa niya, โ€œ[Kapag] naaksidente at nasaktan o nasawi ang sakay sa isang trahedya ay malaking problema. Waka kasing personal passenger accident insurance ang mga pasahero ng tricycle tulad ng ibang pampublikong sasakyan.โ€

Sinabi rin ng pangulo ng LCSP na โ€œMaraming school service drivers at operators ang nawalan ng hanapbuhay noong lockdown dahil walang face-to-face classes. Marami sa kanila ay nabaon sa utang sa bangko dahil hinuhulugan nila ang monthly amortization ng kanilang mga unit.โ€

โ€œAng iba ay nahilaan na ng sasakyan kaya kailangan ng ayuda sa kanila upang makapasada at maserbisyuhan ang mga mag-aaral na may school service sa pagpasok. Kapag kulang ang school service ay mag-private car ang karamihan sa kanila kayaโ€™t dagdag traffic ang dulot nito,โ€ diin ni Inton.

Nanawagan naman ang grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pulungin ang mga operator ng school service para sa paghahanda sa darating na pasukan at mainam na may maitulong sila dahil na rin sa halos tatlong taong walang biyahe.

AUTHOR PROFILE