Calendar

School calendar

April 9, 2023 People's Tonight 1420 views

LUMALAKAS na ang panawagan na ibalik na ang dating school calendar sa bansa dahil sa nararanasang sobrang init ng panahon dulot siguro ng lumalalang climate change.

Maraming magulang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong elementary at sekundary school ang nagrereklamo dahil sa mala-oven na init sa loob ng mga silid-aralan sa bansa.

Ayon sa mga magulang, hindi na makapag-concentrate sa leksyon ang kanilang mga anak dahil wala na silang ginawa kundi magpaypay gamit ang mga notebook at panyo.

Ang problema sa maraming public elementary at high schools sa buong Pilipinas, lalo na sa kanayunan, ay mga maliliit na electric fan ang ang nagpapalamig sa mga kuarto.

Mabuti naman at bumuo na ng isang grupo ang Department of Education para pag-aralan ang panukalang pagbabalik ng summer school break sa mga buwan ng Abril at Mayo.

Ito ay nagpapatunay lamang na nakikinig sa public opinion ang gobyerno at handang timbangin ang pros at cons ng panukalang bumalik na tayo sa lumang academic calendar.

Matatandaan na kamakailan ay iminungkahi ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian na ibalik na lang ang April-May summer vacation sa elementary at secondary schools.

Ginawa niya ito pagkatapos ng insidente sa Cabuyao City sa Laguna kung saan hinimatay ang ilang mag-aaral na kasali sa isang unannounced na fire drill sa eskuwelahan

Ayon sa report, ang mga biktima, na nagsuka at nahilo, ay nakaranas ng heat exhaustion.

Sana nga hindi na maulit pa ang nangyari sa Cabuyao City.

AUTHOR PROFILE