Paulino Si SBMA Chairman and Administrator Rolen C. Paulino (3rd, kaliwa nakaupo), katabi si PNP Maritime Group Director P/BGen Harold B. Tuzon (2nd kaliwa, nakaupo) habang nilalagdaan ang Memorandum of Agreement (March 30) na nagpapaubaya sa PMG sa paggamit, maintenance at operasyon ng mga patrol at rescue vessels ng SBMA upang mapalakas ang seguridad at kaligtasan sa Subic Bay. Litrato mula sa SBMA

SBMA, PNP pinalakas seguridad sa Subic Bay

April 1, 2022 People's Tonight 558 views

SUBIC BAY FREEPORT – Pinalakas pa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Philippine National Police (PNP) ang seguridad at kaligtasan sa loob ng Subic Bay.

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina SBMA Chairman and Administrator Rolen C. Paulino at PNP-Maritime Group Director P/BGen. Harold B. Tuzon, pinalakas pa ang kooperasyon ng dalawang ahensya para mabantayan ang kaligtasan ng mga barko na naglalayag sa Subic Bay, maging ang kalinisan ng karagatan.

Base sa kasunduan, ipauubaya ng SBMA sa PMG ang pagpapatakbo, maintenance at operasyon ng mga pitong maritime assests nito na kinabibilangan ng tatlong multi-purpose patrol boat, isang search and rescue vessel, isang garbage collection/firefighting vessel, isang oil skimmer/firefighting vessel, at isang line handling-utility boat.

Binanggit pa ni Paulino na pagkakalooban din ng SBMA ang PMG ng pasilidad na magagamit ng mga tauhan ng PMG bilang barracks at opisina sa Bldg. 696 sa dating Ship Repair Facility (SRF) complex, kung saan nakadaong ang mga vessel.

Binaggit ni Tuzon na handing tumulong ang PMG sa SBMA sa pagtugon sa emergency at natural disaster kung hihilingin ng SBMA.

Naging saksi naman sa MOA signing sina SBMA Senior Deputy Administrator for Ports Operations Ronnie Yambao, PNP Deputy Chief for Administration P/LtGen. Rhodel Orden Sermonia, at iba pang opisyal. Ni RUBEN VELORIA

AUTHOR PROFILE