Default Thumbnail

‘Sawing’ sekyu nagbigti

June 1, 2022 Melnie Ragasa-limena 304 views

NATAGPUANG nakabigti at wala nang buhay ang isang 30-anyos na security guard makaraang umano hiwalayan ng kaniyang kasintahan sa Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.

Ang biktima ay residente ng Bgy. Payatas , Quezon City.

Sa report ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-6:00 ng umaga, Hunyo 1, nang madikubre ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kaniyang tahanan sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. May Fajardo ng PS-13, ang nakabigting katawan ng biktima ay nadiskubre ng kaniyang ina.

Ayon sa ginang, hinahanap niya ang kaniyang anak upang yayain na sanang mag-almusal subalit nang pumasok siya sa kanilang banyo ay bumungad sa kaniya ang katawan nito na nakabigti sa kisame at nakatali sa leeg nito ng computer cord.

Agad na humingi ng saklolo ang ina sa kanilang Barangay officials subalit nang maibaba sa pagkakabigti ang biktima ay wala na itong buhay.

Nabatid, na bago maganap ang insidente ay palagi umanong sinasabi ng biktima sa kaniyang kasintahan na magpapakamtay siya kapag iniwan siya nito.