Default Thumbnail

Chinese nat’l nahulihan ng airsoft gun

June 1, 2022 Jonjon Reyes 275 views

INARESTO ng isang security guard ang isang Chinese national na may dalang baril na airsoft matapos mahulihan din ng isang firearm imitation o replica at isang piraso ng magazine sa kanyang tinutuluyang unit sa Century Park Tower, Adriatico St., Maynila kamakailan.

Ayon sa report ni PSsg. Emason Fernandez na isinumite kay PLt. Gerry Campo, hepe ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang suspek na si Xiang Junjie, 26, isang Chinese national ay hinuli ng isang security guard ng Century Park.

Dagdag pa ni Fernandez, ang narekober na airsoft gun mula sa suspek ay ginagamit diumano sa pananakot, panunutok, at pangho-holdap sa kapwa Chinese ng suspek.

Nahaharap naman sa kasong Omnibus Election Code o Comelec (Commission on Elections) Gun Ban ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa MPD-GAIS bago isalang sa inquest.

AUTHOR PROFILE