Sarah

Sarah matapang na nagsalita tungkol sa kanila ni Richard

March 2, 2024 Aster Amoyo 365 views

Sarah1HABANG ang ilang entertainment media at vloggers ay reluctant magtanong ng personal question sa actress na si Sarah Lahbati sa pinag-uusapang break-up nila ng kanyang (ex) husband na si Richard Gutierrez, tanging si MJ Felipe (ng “TV Patrol” ) lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ito na may kinalaman sa paghihiwalay nila ng dating mister at hindi naman nag-deny ang ina ng magkapatid na Zion (10) at Kai (5). Ito’y nangyari sa matagumpay na 2nd year anniversary ng Bingo Plus Night 2024 na ginanap sa ballroom ng Grand Hyatt Hotel in Bonifacio Global City in Taguig nung gabi ng March 1, Friday kung saan isa si Sarah sa mga dumalong celebrities na pinangunahan nina Piolo Pascual, Vice Ganda, Alden Richards, Robi Domingo (who hosted the whole event) kasama sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Mark Bautista, Regine Tolentino, Jona, Arthur Neri, Stell, Felip, Alamat, PPop Generation, G22 at VXON, Ogie Diaz at iba pang social media influencers.

Nakabukod na ng tahanan si Sarah kasama ang mga bata but she is co-parenting the kids with their father na si Richard.

Aware si Sarah na alam na ng lahat ang kanilang paghihiwalay ng kanyang dating mister pero walang nagsasalita sa kanilang dalawa ni Richard. Alam din ng Viva actress na sooner or later ay kailangan din nila itong aminin sa publiko at nagkataon na siya ang unang natanong tungkol dito.

May mga nagsasabi na hindi umano on speaking terms ngayon ang dating mag-asawa pero hindi sila nagpapabaya pagdating sa kanilang dalawang anak.

Nagsimula ang love affair nina Richard at Sarah noong 2012 sa set ng unang serye ng kanilang pinagsamahan sa bakuran ng GMA, ang “Makapiling Kang Muli” na pinamahalaan ng actor-director na si Ricky Davao. Nakasama rin sa nasabing serye sina Mark Anthony Fernandez, Carla Abellana at Phillip Salvador, among others.

Hindi ikinakaila ni Sarah na baguhan pa noon sa showbiz at sa Kapuso network na crush umano niya noon si Richard na gusto niyang makatrabaho. April 29, 2013 nang isilang ni Sarah sa Switzerland (her hometown) ang kanilang first baby ni Richard na si Zion (now 10 turning 11 on April 29). August of same year ay bumalik si Sarah ng Pilipinas bitbit ang kanilang first born. Plano na sana nina Richard at Sarah na magkaroon ng engrandeng wedding nung 2018 pero muling nabuntis si Sarah sa kanilang bunsong anak na si Kai na isinilang nung March 21, 2018. At sa halip ay isang intimate civil wedding ang nangyari sa dalawa nung March 14, 2020 na ginanap sa Taguig City Satellite Office in BGC. Sa halip ito na isang magarbong kasalan sana sa ballroom ng Shangri-La at The Fort (also in BGC, Taguig), isang araw bago i-deklara ang lockdown dahil sa Covid-19 Pandemic.

Richard and Sarah were in a relationship for eight years with two kids bago sila nagpakasal nung 2020. More than 3 years naman sila bilang mag-asawa nang sila’y magkahiwalay last year.

Sa darating na March 21, 2024 ay 6th birthday ni Kai, ang bunsong anak nila. Tiyak na paghahandaan ito ng paternal grandma ng bata na si Annabelle Rama gayundin sa 11th birthday ni Zion on April 29.

Nasa healing period pa ang dating mag-asawa caused by their break-up, pero darating din siguro ang araw na muli silang magiging magkaibigan alang-alang sa kanilang dalawang anak.

Dimples at mister proud sa pilot daughter

DimplesDimples1PROUD parents ang mag-asawang Boyet Ahmee at Dimples Romana sa kanilang panganay at kaisa-isang anak na babae na si Callie (20) dahil isa na itong licensed pilot in Australia kung saan ito nag-aaral. Ang couple ay may dalawa pang younger children na sina Alonzo (8) at si Elio (1).

It was in 2021 nang lumipad patungong Australia si Callie para roon mag-aral ng aviation. July 2022 naman nang unang beses nagpalipad ng eroplano si Callie na sinorprosa ng kanyang actress-entrepreneur at vlogger mom na si Dimples in Australia kahit one-month pa lamang itong nakapag-silang sa kanyang bunsong anak na si Elio.

Very supportive sina Dimples at Boyet sa pangarap ng kanilang anak na maging isang professional pilot.

The couple will be celebrating their 20th year bilang mag-asawa sa taong ito.

Mara engaged na sa Americasn boyfriend

MaraMara1Mara2CLASSIC pandemic love story na maituturing ang pag-iibigan ng actress na si Mara Lopez (Yokohama) at ng kanyang American fiancé na si Chandler Booth na nagta-trabaho sa isang record label in New York City, USA. Nagkalapit ang dalawa nang sabay silang ma-quarantine in New York nung kasagsagan ng pandemic.

Mara and Chandler got engaged in July 2023 at sila’y nakatakdang ikasal in El Nido, Palawan in November this year.

Si Mara ay panganay na anak ng actress at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa una nitong mister na si Hiroshi Yokohama. Ang younger brother ni Mara na si Ken ay nagtapos ng IT Engineering sa De la Salle University at plano ring pakasalan ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Nicole in 2026.

Maria Isabel has remarried to an American businessman na si Jonathan Melrod at kasalukuyan silang nakatira sa Sabastopol, California, USA. May dalawa ring anak si Jonathan sa una nitong wife, sina Eli at Noah Melrod who are also both grown ups.

Mara and Chandler met through her cousin na si Laura Lopez.

Kahit matagal nang hiwalay ang parents nina Mara at Ken ay nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa kahit may iba nang mister si Maria Isabel. Close din ang magkapatid na Mara at Ken sa kanilang stepdad na si Jonathan gayundin sa dalawang stepsons ng kanilang in na sina Eli at Noah na tiyak na lilipad patungong El Nido, Palawan for Mara and Chandler’s beach wedding.

Mara was only 6 years old nang turuan siya ng kanyang Japanese dad na mag-surf. She was only 11 nang siya’y maging surf champion. Pero sa kalaunan ay sinundan na nito ang yapak ng kanyang ina bilang aktres.

Kahit sa New York na naka-base si Mara, she would still get acting jobs here.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE