Diego1

Sofia ‘TOTGA’ ni Diego

March 1, 2024 Vinia Vivar 110 views

Diretsong sinabi ni Diego Loyzaga na ang ex-girlfriend niyang si Sofia Andres ang itinuturing niyang ‘the one that got away’ o TOTGA.

Nag-guest si Diego sa vlog ni Aiko Melendez at sa huling bahagi ng video ay naglaro sila ng “Truth or Dare” game kung saan ay sinagot ng aktor ang ilang katanungan tungkol sa personal life niya.

Ang first question kay Diego ay kung sino kina Barbie Imperial, Frankie Russel, Sofia Andres at Julia Montes ang maituturing niyang TOTGA.

Ang bilis ng sagot ng aktor.

“Sofia Andres. No, kasi ang laki talaga ng pagkakamali ko du’n kay Sofia. I wish that didn’t happen. I’m very open naman about it,” ani Diego.

“I made a really big mistake. I was a kid. I was 20 years old, 21 years old,” dagdag pa niya.

Pero aniya ay masaya siya ngayon para kay Sofia.

“Sobra. I’m so proud, I’m so happy for her. I remember when we were together pa, the things that she has now, ‘yun ‘yung mga binabanggit niya noong time na ‘yun na sana magkaroon siya and she has everything now,” aniya.

Nang matanong kung nagkita na ba sila ulit, sey ni Diego ay hindi at napakatagal na ng huling pagkikita nila.

“I remember the last time I saw her, I went to where she was and I tried to seek closure. This was a long time ago,” sey ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Matatandaan na dating magka-loveteam sina Diego at Sofia sa ABS-CBN. Isa sa mga proyektong ginawa nila ay ang seryeng “Pusong Ligaw” noong 2017.

AUTHOR PROFILE