Sarasanya

Sanya at mag-amang Gozon, dumalo sa inauguration ni VP-elect Sara

June 20, 2022 Jun Nardo 308 views

BAGO naman ang rap ni Andrew E. sa inauguration ni Vice President Sara Duterte last Sunday sa Davao. Ibinagay ni Andrew sa okasyon at sa isang lyrics ng rap niya, eh, nakapaloob ang name ni VP Sara.

Nagmano pa si Andrew kay President Digong Duterte at niyakap naman siya ni VP Sara.

May isa ring performer na kumanta sa okasyon. Hindi masyadong kilala pati na ang kinanta niya.

Taob siya kay Andrew.

Dumalo rin sa inauguration si Herbert Bautista.

Nang kumustahin namin ang kasama, sagot niya, “Ok lang po, Kuya… coping…”

Eh, dahil may malawak ang experience ni HB sa public service, malaki ang chance niyang mapunta sa isang posisyon sa gobyerno na akma sa kakayahan niya after one year matapos ang ban sa mga kumandidato sa nakaraang eleksiyon.

Present din sa inauguration ang GMA president na si Atty. Felipe Gozon at ang anak niyang si Atty. Annette Gozon-Valdez.

Isa pa sa mga namataan sa inagurasyon ang First Lady star na si Sanya Lopez na may picture pa with VP Sara.

Sa June 30 ang oath taking ni President-elect Bongbong Marcos sa National Museum o dating Congress.

KYLIE, NAKIKIPAGSABAYAN KAY JACLYN

PANATAG na ngayon ang kalooban ni Kylie Padilla. Tanggap na tanggap kasi ng manonood ang pagbabalik niya sa TV matapos dumaan sa maraming pagsubok ang buhay may-asawa.

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang Kapuso primetime series niyang Bolera.

Eh, may bago kasing napapanood sa series kahit hindi pa rin nawawala ang usual conflicts sa mga teleserye, huh!

Natututo tuloy ng larong bilyar ang hindi naglalaro nito lalo na’t professional billiard players ang laging nakaantabay sa kada taping ng series.

Maaliwalas na rin ang mukha ni Kylie.

Tapos na marahil ang mga dagok na pinagdaanan niya kaya nakakasabay na siya sa aktingan sa premyadong aktres na si Jaclyn Jose, huh!

AUTHOR PROFILE