Rocco

Roco ‘di malilimutan ang pangaral ng ama

June 20, 2022 Aster Amoyo 417 views

SA celebration ng Father’s Day last Sunday, June 19, hindi nakalimot ang Kapuso actor na si Rocco Nacino na batiin ang kanyang ama na si Ralph Nacino.

Narito ang mensahe ng actor sa kanyang ama which he posted on his Instagram account:

“You have shown me in many ways how to be a real man, to be kind, grounded and the importance of respecting others.

“You allowed me to fail many times in my endeavors because you always believed that I would get back up and be better.

“As a man of few words, you show with your actions how you can lead a family with hard work and discipline.

“As a soon to be lolo, we will be having more conversations on how to be the best dad to my son, as I will be listening to your advise on how to be a great father like you.

“Cheers to our great times together on the golf course and with family.

“We love you Daddy! (with heart emoji).

“Happy Father’s Day to you and all our daddies!”

Samantala, sa recent gender-reveal party ng mag-asawang Rocco at Melissa Gohing-Nacino ay nalaman na baby boy ang magiging unang supling ng couple.

Nagpapasalamat ang professional volleyball player na si Melissa na magkakaroon sila ng baby ni Rocco sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS).

Rocco and Melissa started dating nung 2017. They got engaged on November 20, 2020 in an open hill sa loob ng Valley Golf Subdivision in Antipolo na sinundan ng kanilang pagpapakasal atop a naval warship, ang BRP Davao del Ssur LD602 sa Pier 13 ng South Harbor.

On October 26, 2019 ay nagtapos ang actor sa kanyang training bilang Philippine Navy reservist. Bago niya pinasok ang showbiz ay isa siyang registered nurse and took his master’s in nursing in 2017 but put his profession on the side when he entered showbiz.

Si Rocco ay naging runner-up sa talent reality search ng GMA, ang Starstruck: Season 5 na siya niyang naging pasaporte sa showbiz.

Bukod sa kanyang pagiging actor at Philippine Navy reservist, si Rocco ay isa ring athlete at entrepreneur habang isa namang professional volleyball player ang kanyang misis na si Melissa.

Ngayong malapit nang maging isang ama si Rocco, mas lalo siyang inspired na magtrabaho para mabigyan ng magandang future ang kanilang magiging anak ni Melissa.

Bago nakilala ng actor ang kanyang wife na si Melissa, he was in a two-year relationship with singer-actress Lovi Poe.

Danica buntis sa pangatlong anak

AFTER almost 11 years matapos isilang ang kanilang second child na si Caela, isang surprise Father’s Day gift ang tinanggap ng retired cager na si Marc Pingris nang malaman niyang buntis ang wife niyang si Danica Sotto-Pingris.

Ang dalawa nilang anak na si Jan Michael ay 13 at 10 (turning 11 on September 20) naman ang bunsong si Micaela.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Danica ay magiging pang-siyam na apo ng veteran singer-songwriter, TV host and producer na si Vic Sotto at pangatlo naman sa ex-wife ni Vic na si Dina Bonnevie.

Vic has five other grandchildren sa anak na si Oyo Sotto at wife nitong si Kristine Hermosa at isa naman kay Paulina at mister nitong si Jed Llanes. Hinihintay naman ng TV host-comedian na magkaroon ng apo balang araw sa kanyang anak na si Vico Sotto, mayor ng Pasig. Pero ito’y matatagalan pa dahil hanggang ngayon ay hindi priority ng binata ang magkaroon ng girlfriend at magbuo ng sariling pamilya.

Dimples1

Dimples manganganak na sa July

SA susunod na buwan (July) ay nakatakdang isilang ng 37-year-old Kapamilya actress st entrepreneur na si Dimples Romana ang kanilang pangatlong anak ng husband niyang si Boyet Ahmee. Baby boy ang nakatakdang isilang ng actress na may naghihintay nang pangalang Elio.

Ang panganay na anak nina Dimples at Boyet na si Callie (18) ay nag-aaral na maging piloto sa Southern Cross University in Australia habang ang kanilang second child na si Alonzo ay seven years old na.

It was last March nang ipaalam sa publiko ng mag-asawang Dimples at Boyet na muli silang magkakaroon ng panibagong baby.

Last June 14, Dimples and Boyet celebrated their 19th wedding anniversary at ang kanilang pagkakaroon ng panibagong baby ay maituturing nilang special gift sa kanilang mag-asawa.

Si Dimples ay huling napanood sa hit primetime TV series na “Viral Scandal” na tinampukan nina Charlie Dizon at Joshua Garcia.

Pinakamalaki, pinakamagastos, pinakamahirap ang ‘Darna’ ni Jane

ALTHOUGH matagal nang namayapa ang creators ng “Darna,” isang superheroine na nilikha (sinulat) ni Mars Ravelo at iginuhit ng artist na si Nestor Redondo na unang nalathala sa Pilipino Komiks (ng Ace Publication) nung May 13, 1951), nananatili pa ring buhay sa kamalayan ng mga Pinoy ang nasabing character na makailang beses nang nabigyan ng buhay ng iba’t ibang actress sa magkakaibang henerasyon.

Taong 1951 nang unang gawing pelikula ang “Darna” na pinagbidahan ni Rosa del Rosario. Ito’y sinundan ni Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareno, Vilma Santos (who portrayed the character in three movies), Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari habang sa telebisyon naman sina Angel Locsin at Marian Rivera.

Ang pinakabago ay si Jane de Leon na malapit nang mapanood sa Kapamilya channel at sa iba’t ibang platform.

Sa lahat ng “Darna” project, masasabing itong bagong pinagbibidahan ni Jane ang pinakamahirap i-mount dahil dumaan ito sa iba’t ibang challenge at proseso. Ang nasabing proyekto was originally intended for Angel Locsin para sa isang pelikula pero nag-back out ang aktres dahil sa pagkakaroon nito ng disc bulge dahil sa kanyang mga fight scenes training. Then ito’y napunta kay Liza Soberano na nag-back out din sa proyekto dahil sa pagkakaroon niya ng finger injury na naoperahan pa sa Amerika.

Third and final choice si Jane pero bago naisakatuparan ang proyekto, nagkaroon din ng ilang pagbabago sa director mula kay Erik Matti, ito’y napunta sa writer-director na si Jerrold Tarog hanggang finally ito’y napunta kay Direk Chito Rono. At dito na naka-take off ang “Darna” ni Jane.

Bago nasimulan ni Direk Chito ang “Darna” ay gumastos na umano ang ABS-CBN ng milyones kaya maituturing na itong “Darna” project ni Jane ang most expensive TV project ng Kapamilya network.

Napakasuwerte rin ni Jane (23) dahil sa kanya napunta ang pinakabagong “Darna” project.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE