Rhen

Rhen, weakness ang horror films

June 20, 2022 Ian F. Fariñas 247 views

KAUNA-UNAHANG horror project ni Rhen Escaño ang Rooftop na kasalukuyang napapanood via streaming sa Vivamax kaya naman talagang na-challenge raw siya nang husto sa pagganap sa karakter niya rito.

Buti na lamang daw at kampante siya sa direktor nilang si Yam Laranas na kilala sa ganitong genre kaya naging magaan sa kanya kahit papa’no ang ginawa nilang shoot.

Kwento ni Rhen sa virtual mediacon ng Rooftop kamakailan, marunong makipag-communicate si Direk Yam sa kanyang mga artista at binibigyan niya ang mga ito ng freedom kung papa’no aatakehin ang bawat eksena.

Very considerate raw si Direk Yam, na nakasama na niya sa Paraluman, saka mabilis magtrabaho.

Masaya rin ang dalaga at nagpapasalamat sa Viva Films na nabibigyan siya ng tsansang makagawa ng iba’t ibang klase ng karakter sa pelikula dahil doon daw sila naggu-grow bilang mga artista kapag nakakapag-explore ng potentials nila.

Matatandaan na unang nakilala si Rhen sa mga paseksing proyekto gaya ng Adan, Paraluman, The Other Wife, atbp. Kaya naman kakaiba talaga ang Rooftop sa mga nagawa na niya at aminado si Rhen na nu’ng una ay hindi niya alam kung pa’no niya naitawid ang pagganap dito. Weakness nga raw niya ang horror movie.

“Parang nahirapan akong i-convince ang sarili ko na matakot kasi hindi pa rin ako naka-experience in real life na makakita ng multo. Nakulangan pa nga ako sa mga nakita ko sa akin. Pero okay na rin naman na na-try ko. Sana mabigyan pa uli ako ng chance kasi mahilig talaga akong manood ng horror films,” banggit pa ni Rhen.

Ang Rooftop ay tungkol sa grupo ng magkaklase na gumawa ng prank na nauwi sa trahedya.

Kasama rin ni Rhen sa cast sina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Marco Gallo, Ella Cruz, Andrew Muhlach at Epy Quizon.

AUTHOR PROFILE