Krislaw

Kris, nami-miss si Panda

June 20, 2022 Ian F. Fariñas 321 views

NGAYONG tapos na ang Season 2 ng top-rating reality singing competition na Masked Singer Pilipinas ng Viva TV at TV5, kung saan siya ang tinanghal na grand winner (bilang si mystery singer Panda), eh, nami-miss naman daw ni Kris Lawrence ang kanyang character sa show.

Post ni Kris sa kanyang Instagram account, “I miss this guy already… can i pls keep the head @maskedsingerpilipinas @vivaartistsagency ? Hehe.”

Isa-isa ring pinasalamatan ng singer ang kanyang mga naging katunggali sa Masked Singer Pilipinas Season 2 gaya nina Marion Aunor, Frenchie Dy, Arthur Nery, Nino Alejandro, atbp. maging ang judge detectives na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Kim Molina, Matteo Guidicelli, Bayani Agbayani at ang soul brother daw niyang MSP host na si Billy Crawford, dahil ang tagumpay niya sa reality singing competition ay ikalawa na niyang “grand champion belt in my career.”

A few years ago, si Kris din ang nag-uwi ng titulong Star in a Million ng ABS-CBN.

Samantala, maging si Marion ay nagpasalamat sa kanyang IG sa pagkakataong sumabak sa MSP Season 2 bilang si Candylabra.

Aniya, “Hahahaha had so much fun being one of the final four on The Masked Singer Philippines! Didn’t think I’d enjoy performing in a mascot costume this much. Might consider for my next couple shows. Grateful for the experience! Catch my performances on their official youtube channel if you haven’t already.”

Sa final battle of four, pinakamaingay sa MSP YT channel si Jeepie (Arthur) na talaga naman may fan reveal na bago pa man ang finals night.

Bet na bet ng YouTubers ang bawat performance ng Viva Records talent.

Sa IG naman ni Arthur ay nagpasalamat siya sa bumubuo ng MSP para sa imbitasyong pumasada kasama ang iba pang bigatin na nakalaban niya.

AUTHOR PROFILE