Joey Sarte Salceda

Salceda: 20-pt agenda ng next gov’t dapat pangunahanng agri-rev, atbp

December 5, 2021 People's Tonight 38 views

ANG makabuluhang ‘20-point agenda’ ng susunod na pamunuan ay dapat pangunahan ng “rebolusiyon sa agrikultura, ‘science and technology (S&T) research and development (R&D)’ at ‘digital transformation with a national broadband network.’”

Ito ang pananaw ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, at isang respetadong ekonomista, na ipinahayag niya sa ginanap na ‘10th Arangkada Philippines: Pathways to a Better Future’ forum na itinanghal ng magkakasamang ‘Joint Foreign Chambers’ sa bansa.

Ayon kay Salceda, ang adyenda ng susunod na administrasyon ay dapat nakatuon sa malakas na pagbangon ng ekonomiya mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya. Nanawagan din siya na ipasa agad ang ilang mahahalagang panukalang batas na naghihintay ng aksiyon ng Kongreso, kasama ang mga amyenda sa ‘Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, and Ease of Paying Taxes Act,’ (EOPT). Layunin ng naturang mga panukalang batas na akda din niya, na lalong palakasin ang daloy ng dayuhang pamumuhunan sa bansa.

Pangunahin sa panukalang “20-Point Agenda” ni Salceda para sa bagong pamunuan ang tinatawag niyang ‘Second Agricultural Revolution,” na suportado ng gubiyerno na pagtutugma-tugmain ang mga pangangailangan ng mga sakahin at magsasaka, kasama ang pagpapatawad sa mga ‘agrarian reform loans’ at gayun ding mga pautang.

Binigyang diin ni Salceda na kailangang maging sapat sa pagkain sa tamang presyo ang bansa habang bumabangon ito mula sa pandemya, “lalo na at ang agrikultura ay nananatiling may pinakamaliit na pamumuhunan sa lahat ng sektor ng industriya sa bansa, at maraming mga pagbabawal na dapat nang alisin.” Pangalawa at pangatlo sa ’20-point agenda’ ni Salceda ang Science and Technology/Research and Development for Change (S4CP), at ‘Digital Transformation and National Broadband.’

Ang iba pa ay gaya ng mga sumusunod: ‘4) Education: Learner nutrition, Teacher empowerment, Optional K-12, Stronger ALS; 5) Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Skills over College Diplomas, Meister schools; 6) Filipinos on the Move – Rural Infrastructure; 7) Mass Public Transport; 8) Indigenous Renewable Energy; Healthcare Reforms—Health for All; 9) Quality Housing for All; 10) Universal Basic Income through UCT (Unconditional Cash Transfer) and TUPAD; 11) Rules-based, science-based, data-driven institutional rules; 12) Breaking down oligarchs and cartels; 13) MSMEs of the Future — Business Incubation, India model of fund-of-fund, and Entrepreneur class; 14) ‘Rurbanization’– Countryside Development and Optimizing Devolution; 15) BBB for Creative Industries (Korean Model); 16) Stronger Foreign Relations with US, India and Israel, ASEAN, Japan, South Korea and Australia, and optimized economic ties with China; 17) Modernizing Public-Private Partnership beyond Infrastructure; 18) A Tax System for the 21st Century – Reforms against tax evasion and shifting; 19) Deeper and broader capital and financial market that will make every Filipino family an investor; and 20) Modern and credible national security – Responding to emerging and unconventional threats.’

AUTHOR PROFILE