Gatchalian

Safety ng Traslacion devotees tiyakin, paalala ni Win sa PNP

January 8, 2024 PS Jun M. Sarmiento 111 views

HINIMOK ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin ang kaligtasan ng mga deboto na lalahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

“Dapat higpitan ng pulisya ang kanilang pagbabantay, paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang awtoridad at mag-deploy ng mga kinakailangang resources upang mapanatili ang kaayusan sa buong prusisyon,” sabi ni Gatchalian.

Hinimok din ng senador ang publiko na sundin ang mga inilatag na alituntunin ng mga awtoridad.

“Maging mapagbantay at iulat kaagad sa mga kinauukulan ang anumang kahina-hinalang galaw o aktibidad sa paligid.

Sa pamamagitan ng shared responsibility at collaborative efforts magagawa nating ligtas at makabuluhan ang karanasan ng lahat para sa Traslacion 2024,” sabi ni Gatchalian.