Default Thumbnail

2 kelot patay sa motor nakunan ng shabu

January 8, 2024 Melnie Ragasa-limena 105 views

ISANG sachet na may laman na pinaghihinalaang shabu ang narekover sa dalawang lalaki na namatay matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa concrete barrier noong Linggo sa Brgy. Pag asa, Quezon City.

Dead-on-the-spot ang rider ng Honda Click 135 na tantyang 30 anyos habang namatay sa East Avenue Medical Center ang backrider na si Peter Paul Zapanta, 37, ng 264 Morah St., Sitio San Roque 1, Brgy. Bagong Pagasa Quezon City.

Base sa pagsisiyasat ni PMSg Winston S Semaña ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit(QCPD-CIDU), nangyari ang insidente bandang ala-1:15 ng hapon sa panulukan ng Quezon Ave. at Agham Road sa Brgy. Bagong Pag asa.

Binabaybay ng dalawa ang underpass sa Quezon Ave. patungong Elliptical Road nang araruhin ang railings hanggang sa tumilapon.

Nakuha sa mga ito ang isang sachet ng white crystalline substance o hinihinalang shabu mula sa dalawa.