Marlon

Saan napupunta ang buwis ng pasahero sa eroplano lalo na ang mula są mga OFW?

March 2, 2024 Marlon Purification 102 views

TUNAY na nakababahala ang ulat na pinamamahayan ng surot at daga ang ating pambansang paliparan.

Tama ang sinabi ni OFW Partylist Rep. Marissa del Magsino na ang isyung hindi ay hindi lamang sa kapakanang pangkalusugan ng ating mga kababayan, kundi nakasalalay rito ang imahe ng pandaigdigang komunidad.

Naalis na ng nakalipas na administrasyon ang malalang ‘laglag bala incidents’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ngunit sa kabila nito, ang problema ng ‘congestion’ at mutinding trapik są runway para lamang makalapag ng nasa oras ang mga eroplano ay naandiyan pa rin.

Ang masaklap, nadagdagan ang kahihiyang ito ng pagsulputan ng mga daga at surot.

Marami tuloy ang nagtatanong, nasaan na ba napupunta ang ‘maintenance budget’ ng NAIA na ang pinagkukunan nito ay buwis ng mga pasahero, hitit lalo ng mga kababayan nating OFW?

Ayaw kong isipin na kahit sa budget pang sanitasyon ay mayroon na ring ‘ghost project’ sa NAIA dahil naniniwala akong gumagawa na ng paraan ang mga namamahala nito.

Ngunit sana ang ganitong pangyayari ay hindi na maulit pa at magkaroon ng ‘consistent’ na kaayusan at kalinisan.

Sabi nga ni Cong. Marissa, batid niya ang gumagawa na ng komprehensibong inspeksiyon ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa naangkop na pasilidad at sanitasyon sa paliparan.

“Subalit nais din natin imungkahi sa ating mga ahensya ang pagsasagawa ng malalim na pag-aaral kung ano ang contributing factors sa matinding congestion at delay sa loob ng airport, lalo ang pila sa immigration at maging sa halos hindi gumagalaw na trapiko paikot sa NAIA 3. Hindi ba’t pabalik-balik ang problemang ito? Bakit wala pa din pangmatagalang solusyon?,” sabi pa ng mambabatas na kampeon ng OFWs.

“Ang ating mga paliparan ay hindi lamang gateway sa ating tourism industry kung hindi pati ng ating labor migration. Ang pagkaantala sa proseso sa departure ng ating mga OFWs ay naglalagay ng kanilang kabuhayan sa alanganin dahil sa posibleng missed flights na magreresulta sa hindi pagtupad sa kennelling deployment schedules o return-to-work orders,” wika pa niya.

Sa ganang akin, napapanahong rebisahin lahat ng panuntunan at patakaran na may kaugnayan sa pamamahala sa ating pambansang paliparan.

Panahon nang ayusin ang mga problemang nakapaloob dito at hindi na dapat pang pagtakpan sa pinaka-latest nilang pahayag na galing sa ibang bansa ang mga nakitang surot sa mga upuan sa NAIA.

Dahil ‘imported’ man iyan o galing mismo rito sa Pilipinas, ang ibig sabihin lang niyan ay hindi sapat ang kaayusan at kalinisan sa ating mga paliparan.