Ryza

RYZA, ADJUSTED NA SA ‘KURDAPYA’

April 27, 2023 Ian F. Fariñas 375 views

AMINADO naman ang partner ni Xian sa period movie na Sa Muli, si Ryza Cenon, na unti-unti na niyang nai-enjoy ang paggawa ng sitcom.

Dahil mas nakilala sa drama projects, medyo nangapa lang siya noong una sa set ng Viva TV show na pinagbibidahan ni Yassi Pressman bilang sina Kuring at Daphne.

Anang young mom, naka-adjust na siya sa pagku-comedy at sa working environment nila sa Kurdapya.

Mas exciting nga raw ngayon dahil nag-switch na nga ang pagkatao nina Kuring at Daphne.

“Naku, marami silang dapat abangan ngayon. Nag-switch na sila, kaya ngayon natin malalaman kung madi-discover ko ba na hindi pala si Daphne ‘yung kaharap ko kundi si Kuring,” sey ng aktres.

Nang kumustahin ng press sa kanya si Yassi, sagot ni Ryza, “Okay naman siya, eh. Chill lang! Hahaha!”

Hindi raw niya nakikitaan ng pagka-bothered ang kasamahang Viva actress kahit pa kung anu-anong isyu ang pilit na idinidikit sa pangalan nito ng mga Marites.

“Okay naman, masayang katrabaho silang lahat. Magaan lang talaga. Parang hindi ka nagtatrabaho,” giit pa ni Ryza sa Kurdapya family.

Bukod sa Sa Muli, na palabas na sa mga sinehan ngayon, at Kurdapya tuwing Sabado, 5 p.m., sa TV5, may isa pang proyekto, isang series, na ginagawa si Ryza.

Sa sobrang busy niya, tinanong siya ng press kung paano niya pinaghahati ang oras sa trabaho, sa bahay at sa two-year-old son na si Night.

“Tinatawagan ko po o kaya kung minsan, pinapupunta ko sa set. May helper naman na nagbabantay. Sa tulong po ng handler ko, nama-manage ang work-life balance.

“Ang Kurdapya naman po, hindi naman po siya parang soap or ano na everyday. So, hindi naman po, hindi naman siya every… may times na province, may times na mansyon. So, lagi po ako du’n sa mansyon. Hindi naman po laging may taping ‘yung mansyon. So kapag wala akong taping, nagkakaroon ako ng time kay Night,” paliwanag ni Ryza.

AUTHOR PROFILE