Xian

‘Hello, Universe’ ni Xian, Top Movie sa Netflix

April 27, 2023 Ian F. Fariñas 543 views

HALOS hindi makapaniwala si Xian Lim na nag-top sa Netflix Philippines ang kanyang directorial film sa Viva na Hello, Universe.

Ibinahagi ng bida ng pelikulang Sa Muli ang excitement sa kanyang Instagram Story matapos matanggap ang balita habang nasa Baguio City.

“Our little film made it and bonus na talaga sa amin ‘yung nakapasok siya sa Netflix. Being on the first spot is such a… I take so much pride and joy!” banggit ng aktor sa maikling video.

Bida sa nasabing fantasy-comedy movie ang mga idolong komedyante ni Xian na sina Janno Gibbs at Anjo Yllana.

Kasama rin sa cast sina Benjie Paras, Maui Taylor, Sunshine Guimary, Gene Padilla, MJ Cayabyab, Madelaine Red, Joe Vargas at Majo Lingat.

Si Xian din ang nagsulat ng Hello, Universe.

AUTHOR PROFILE