Ruru, napuruhan ang kanang tuhod sa fight scene

August 20, 2023 Vinia Vivar 241 views

Nagkaroon na naman pala ng injury si Ruru Madrid recently habang kinukunan ang kanyang fight scenes. Ibinalita niya ito sa Instagram at ibinahagi ang therapy na isinasagawa sa kanya.

“Getting stronger everyday! 💪

“I love doing my own stunts and fight scenes pero syempre hindi maiiwasan ang aksidente. I just had another injury (Acute Ligamentous Injury) sa right knee,” kwento ni Ruru.

“That’s why I decided to get a PT (Physical Therapist) Coach @josephsantosii para mas maging matibay at handa ang katawan sa lahat ng eksena na kailangan gawin,” patuloy niya.

Pinaalalahanan din ni Ruru ang kanyang followers na pangalagaan ang kalusugan.

“Health is wealth, kaya pangalagaan natin ang ating mga katawan para sa ating kinabukasan!” aniya.

Hindi na sinabi ni Ruru kung anong fight scene ang kanyang ginagawa at kung para saang proyekto pero ang kasalukuyan niyang ginagawa ay ang bagong action-packed series sa GMA-7 na “Black Rider” kasama sina Matteo Guidicelli at Yassi Pressman na malapit na ring mapanood.

Matatandaan na last year ay nagkaroon ng foot injury si Ruru habang ginagawa ang pinagbidahang action series na “Lolong.”

AUTHOR PROFILE