Martin

ROMUALDEZ: TRILATERAL MEET ISANG PANAWAGAN

April 11, 2024 People's Tonight 162 views

Para sa sama-samang pagrespeto sa rules-based order

ANG makasaysayang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay isang malakas na mensahe sa international community para magsama-sama sa pagkilala sa rules-based order.

Ginawa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pahayag bago ang pagpupulong ng tatlong lider sa Washington nitong Miyerkoles (oras sa Amerika) upang lalo pang patatagin ang samahan ng tatlong bansa.

“This historic gathering serves not only as a powerful symbol of unity but as a clarion call for stronger international solidarity to reaffirm every nation’s unwavering commitment to upholding international law and the rules-based order, which are fundamental pillars for ensuring lasting peace, stability, and prosperity,” ani Speaker Romualdez.

Umaasa si Speaker Romualdez na ang lumalawak na suporta ng international community sa panawagan na sumunod sa rules-based order at pagpapanatili ng kalayaan sa paglalayag ay makatutulong sa pagpapahupa ng tensyon, partikular sa West Philippine Sea.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pagpapahupa ng tensyon sa WPS ay mahalaga para sa maraming ordinaryong Pilipinong mangingisda na ang ikinabubuhay ay nakasalalay sa sitwasyon sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Binigyan-diin ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng naturang lugar na dinaraanan ng komersyo na umaabot sa $5 trilyon ang halaga, at bumubuo sa 60 porsyento ng maritime trade at mahigit 22 porsyento ng kabuuang pangangalakal sa mundo.

“The ability of nations to navigate freely is essential for trade, communication, and regional security,” he stressed. “We trust that the meeting of the three leaders will prove productive in strengthening cooperation to safeguard this crucial right,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Naniniwala si Speaker Romualdez na lalo pang darami ang mga bansa na sumusuporta sa pagsunod sa rules-based order at patunay umano rito ang paglahok ng mg bansa sa 2024 Balikatan exercises.

Ngayong taon, ang joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay nilahukan ng 11,000 sundalong Amerikano at 5,000 sundalo ng Armed Forces of the Philippines.

Inaasahan din ang pagsali ng France at Australia samantalang 14 na iba pang bansa ang nagsisilbing observers na kinabibilangan ng Japan, South Korea, India, Canada, the United Kingdom, France, Thailand, Singapore, Vietnam, Indonesia, Brunei, Malaysia, Germany at New Zealand.

Kumpiyansa si Speaker Romualdez na ang resulta ng trilateral meeting ay lalong magpapatibay sa kooperasyon at kolaborasyon ng iba’t ibang bansa para sa pagrespeto sa international law at pagpapanatili ng rules-based order sa Indo-Pacific region.

“I have no doubt that this trilateral meeting will pave the way for a more robust and collaborative approach towards addressing regional challenges. It sends a clear message that the Philippines, the United States, and Japan stand together in promoting stability and upholding the principles of a free and open Indo-Pacific,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Muli ring inulit ni Speaker Romualdez ang pagsuporta ng Kamara sa mga inisyatiba ni Pangulong Marcos upang mapangalagaan ang soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa na naglalayong bigyan ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino.

AUTHOR PROFILE