Robin

Robin, balak sundan si Kris sa Amerika

June 7, 2022 Vinia Vivar 311 views

KrisMistulang tribute kay Kris Aquino ang mahabang post ni Senator-elect Robin Padilla sa kanyang Facebook account. Tinatanaw niya na malaking utang na loob ang ginawang pagtulong nito sa kanya sa kampanya at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit siya nakakuha ng napakataas na boto nitong nakaraang eleksyon.

Sa kanyang socmed post ay makikita ang maramdaming tula na ginawa niya for Kris kung saan ay inilarawan niya ang kanilang friendship na kahit hindi man daw sila nagkikita, basta’t kailangan nila ang isa’t isa ay parati silang nandiyan.

Ikinuwento rin ni Sen. Robin na naging close na rin ang misis niyang si Mariel Rodriguez kay Kris.

“Nu’ng nalaman namin ni Mariel na may sakit si ms Kris Aquino Hindi na kami bumitaw sa kanya at ganon din si ms Kris Aquino.

“Pinagluluto ni Mariel si Kris ng pagkain at kahit hirap si Kris sa intake ng solid na pagkain she makes sure na well appreciated ng buong pamilya niya si Mariel.

“We became closer than ever,” pagbahahagi ni Binoe.

“Tumaas pa ang antas ng aming mga pinag uusapan at pinagdidiskusyunan. Mas minulat pa namin ang isat isa sa realidad pulitika at buhay,” patuloy ni Robin.

Inisa-isa rin ng aktor/politiko kung bakit siya nag-number one bilang senador at kasama na nga sa mga dahilan si Kris.

“Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit napakataas ng boto ko at kung paano ako nag number one. Walang nakakaalam na may boto rin ako galing sa kampo ng mga Aquino.

“Kalagitnaan ng campaign period nag aalala si Kris sa survey ko. Kinausap niya ako kung ano ang campaign strategy ko, sabi ko conventional lang ako dahil wala naman akong pera. Ang alas ko lang talaga ay si PRRD, SBG at si Inday Sara Duterte, endorsement lang ng tatlong ito umiikot ang aking pag asa na manalo at siempre ang tulong ng taongbayan,” kwento ni Robin.

Ang ginawa raw ni Kris ay pinagtatawagan ang mga politiko at ikinampanya siya nang bonggang-bongga kahit pa nga nasa partido siya ni Bongbong Marcos.

“Sabi ni Kris tutulungan niya ’ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya. Tinawagan niya mga matitinding governor, LGU officials at mga matataas na tao na may paggalang at malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino.

“Hindi kailanman naging isyu sa kanya na Uniteam ako, nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot lang niya ito ng basta pls help robin for me.

“Ngayon ay malinawan na rin ng mga naninira at inggit kung bakit ako nakakuha ng napaka taas na boto.

“Bukod sa mine vote ni Mariel, Royal lumad/Indigenous vote muslim vote marcos loyalist vote DDS vote katoliko vote Kingdom of Jesus Christ vote El shaddai vote at Iglesia ni Kristo vote Kris Aquino delivered the Aquino Vote for me,’ ani Robin.

Nagpasalamat ang aktor/politiko kay Kris at nagpasabi na dadalawin niya ito sa USA kapag nabigyan siya ng visa.

“Maraming Maraming salamat ms Kris Aquino. Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin. Hinding hindi kami makakalimot.

“Andito lang palagi kami ni mariel para sa iyo at kapag akoy nagkavisa sa US of A dadalawin ka namin at personal na magpasalamat sa iyo,” pagtatapos ni Robin.

AUTHOR PROFILE