Rita

Rita, umaming buntis

June 26, 2022 Ian F. Fariñas 87 views

EMOSYONAL ang Kapuso actress na si Rita Daniela nang aminin sa All-Out Sundays ang kanyang pagbubuntis. Umiyak ito sa harap ng mga kasamahan at gaya ng sabi niya sa kanyang Instagram post, hindi na nga siya makapaghintay sa pagdating ng kanyang munting anghel. Hindi binanggit ng aktres kung ilang buwan na ang kanyang dinadala, pero ang balita ay non-showbiz ang ama ng baby ni Rita.

“You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true.

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” caption ni Rita sa IG picture kung saan tangan niya ang kanyang tiyan.

AUTHOR PROFILE