Beauty

JC, bagong mukha ng BeauteHaus

June 26, 2022 Ian F. Fariñas 370 views

PORMAL na sinasalubong ng BeautéHaus ang dramatic actor na si JC Santos bilang opisyal na brand ambassador nito.

Itinatag ni Rhea Anicoche-Tan nu’ng 2016, ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group Of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

Ipinagmamalaki ng clinic boasts ang isa sa pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kumpleto din ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

Sa nakalipas na anim na taon, libu-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedure nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang mga pabuloso at life-altering treatments.

Ngayon, ang center ay ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan na dermatological clinic ng mga taga-Angeles City gaya na lamang ng fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio at Michelle Viray; ang top OB-gyne ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies kung saan bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama din ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang na mga endorser naman ng Beautéderm.

Ipinanganak at lumaki si JC sa Pampanga at nagsimula ang karera sa teatro bago tuluyang sumikat bilang isa sa mga pinaka-nirerespetong character actor ng industriya.

Ilan sa kanyang mga notable performance ay sa top-rating na serye ng ABS-CBN gaya ng Till I Met You, Ikaw Lang Ang Iibigin at FPJ’s Ang Probinsyano.

Mayroon din siyang feature appearances sa mga critically-acclaimed films gaya ng 100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentines at Miracle In Cell No. 7.

Nagsimula si JC sumailalim sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl. Ang main concern ni JC ay maalis ang kanyang “dad bod” kaya naman sumailalim siya sa Lipodissolve at M-Shape – na non-invasive body sculpting at slimming treatments.

Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles at pati na rin ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness at wrinkles sa kanyang mga mata.

“Kahit kaming mga lalaki ay dapat um-effort para maging maayos ang aming itsura,” sabi ni JC. “Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”

Si Rhea naman ay maligaya rin ngayong bahagi na si JC ng Beautéderm Group Of Companies bilang brand ambassador ng BeautéHaus.

“BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic. I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago. Excited ngayong kasama na naming si JC lalo na at ngayong naghahanda kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center kung saan magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon na ito.”

AUTHOR PROFILE