Riot Nagsasanay ang mga operatiba ng Special Weapons and Tactics ng Manila Police District. Kabilang sa training kung paano rumesponde sa riot kagaya ng nangyari noong Sabado ng hapon. Kuha ni Jonjon Reyes

Riot sa MCJ, 8 sugatan

April 14, 2024 Jonjon Reyes 103 views

WALO ang sugatan sa riot ng dalawang grupo ng preso dahil sa basketball sa Manila City Jail (MCJ) noong Sabado.

Ayon sa Bureau of Jail and Management Penology, sinuspinde ang mga dalaw sa mga inmates at isinara ang gate para bigyang daan ang imbestigasyon at seguridad ng mga preso.

Inaalam pa ng MCJ ang pagkakakilanlan ng mga sugatan na kinabibilangan ng anim na miyembro ng Commando Gang at dalawang miyembro ng Bahala na Gang.

Nagsimula ang riot bandang ala-1:57 ng hapon dahil sa hindi pagkakaunawaan sa basketball na isa sa mga events sa sportsfest ng MCJ.

Ilan sa mga nasugatan ang tinamaan ng bato.

Naglunsad ang MCJ ng Oplan Greyhound kasunod ng riot sa pagitan ng dalawang gang.

Sinabi ni Jail Officer 2 Elmer Jacobe, tagapagsalita ng MCJ, sa pitong taon niyang naka-assign sa MCJ ngayon lang ulit nagkaroon ng riot sa piitan.

AUTHOR PROFILE