Nieto

VM Nieto may free tuli sa Abril 20

April 13, 2024 Edd Reyes 181 views

MULING ibabalik ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang Lingkod Manilenyo: Operation Tuli sa Abril 20 sa Sen. Benigno S Aquino, Jr. Elementary School sa Baseco compound, Port Area, Manila.

Umabot sa 2,000 kabataan ang natulian ng libre noong 2023 sa tulong ng proyekto na isinagawa sa iba’t-ibang distrito ng lungsod sa tulong ng mga lisensyadong medical practitioners.

Dagdag pa rito ang ipinamamahaging libreng gamot sa mga natulian, memorabilia, t-shirt at certificate of participation.

Ayon sa isang lola na kabilang sa mga benepisyaryo ng programa, lubos ang kanilang pasasalamat na nabigyang ng pagkakataong makasali sa libreng tuli program ng vice mayor.

“Ang laking tipid nito sa amin kasi tatlong apo ko po ang nakasali. Nakalibre kami sa bayad sa doktor tapos may libreng gamot pa habang nagpapagaling sila,” dagdag pa ni lola.

Isa lamang ang Lingkod Manilenyo: Operation Tuli na suportado ni Mayor Honey Lacuna-Pangan sa mga taunang proyekto ni Vice Mayor Nieto sa tulong ng mga iba’t-ibang cause-oriented groups bilang bahagi ng programang health and wellness ng tanggapan ng bise alkalde.

AUTHOR PROFILE