Truck Buhay ang driver ng SUV na ito habang patay ang driver ng truck dahil sa heart attack kaya inararo ang SUV at isa pang tricycle sa Maynila noong Sabado. Kuha ni Jonjon Reyes

Driver na-heart attack; cargo truck inararo SUV, tricycle

April 14, 2024 Jonjon Reyes 96 views

INARARO ng dambuhalang truck na minamaneho ng natigok na driver dahil sa atake sa puso ang isang sports utility vehicle (SUV) at tricycle sa harap ng Manila Medical Center Manila (MMC) sa United Nations Avenue, Maynila noong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Ramil Carillosa, 45, na tigok na ng madala sa emergency room ng nasabing ospital.

Sa report ni Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Traffic Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-5:00 ng hapon ng maganap ang insidente.

Kwento ng pahinante, nagulat siya na habang nagmamaniobra ang driver biglang bumangga at huminto at nakita niyang nakasubsob na sa manibela ang biktima.

Papuntang Pulilan, Bulacan ang truck para mag-deliver ng trigo.

Maswerteng nakatalon ang driver ng SUV na naghihintay lang sa kanyang amo nito na nasa ospital gayundin ang tricycle driver na naghatid din ng pasyente sa ospital.

AUTHOR PROFILE