Arjo

Ria ipinakilala na sa Atayde family si Zanjoe

November 21, 2022 Aster Amoyo 808 views

Arjo1ZanjoeZanjoe1

FORTY-year-old Kapamilya actor Zanjoe Marudo is in a new relationship. Ito ay sa katauhan ng nakababatang kapatid ni Cong. Arjo Atayde na si Ria Atayde, anak ng aktres na si Sylvia Sanchez.

Ang dalawa ay nagbakasyon recently sa Japan kasama ang ilan nilang mga co actor friends.

Sa most recent photo uploaded ni Sylvia, ibinahagi niya ang mga larawan kung saan kasama ng kanyang pamilya si Zanjoe, isang indikasyon na ipinakilala na ni Ria ang nobyo sa kanila. Naroon din ang mister ni Sylvia na si Art Atayde at mga anak na sina Arjo, Gela at Xavi.

Bago kay Ria, Zanjoe was in a long relationship (6 years) with Bea Alonzo at naging sila rin ng misis ngayon ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez. Zanjoe’s last girlfriend was the 20-year-old surfer-model based in Siargao, Josie Prendergast pero tila hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa.

Zanjoe is turning 41 on July 23, 2023 habang si Ria ay magti-31 on March 23, 2023.

Kung ang kapatid ni Ria na si Arjo ay engaged na sa phenomenal star na si Maine Mendoza, kailan naman kaya darating sa ganoong estado ang una at si Zanjoe? Abangan. Basta ang alam namin, gustung-gusto na ni Sylvia na magkaapo.

YenYen1

Yen at Paolo magkasamang nag-celebrate

THREE days before her 30th birthday ay nanalong Best Actress ang ex-PBB housemate-turned actress na si Yen Santos para sa pelikulang “A Faraway Land” na pinagtambalan nila ng Kapuso actor na si Paolo Contis at dinirek ni Veronica `Roni’ Velasco under MarvX Production at nag number-one sa Netflix in August last year. It was shot in Faroe Islands in Northern Europe.

Ang nasabing pelikula ang nakapagbigay ng kauna-unahang acting award para kay Yen bilang Best Actress mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa UP Film Center in Quezon City nung nakaraang Huwebes ng gabi, November 17, 2022.

Sa acceptance speech ng actress, sinabi niya na ito ang kanyang best birthday gift ever at hindi niya nakalimutan pasalamatan ang kanyang co-star sa movie at boyfriend na ngayon na si Paolo.

Kasamang nag-celebrate ng 30th birthday ni Yen si Paolo last Sunday, November 20.

ShakikoShakiko1Shakiko2

Sharon at Kiko away-bati

KAHIT 26 years nang mag-asawa sina Sharon Cuneta at dating senador Kiko Pangilinan ay hindi pa rin nawawala sa kanila ang tampuhan na ang pinakamatagal ay umabot ng six months. At sa huli nilang tampuhan, kamakailan lang din sila muling nagkasundo.

Nakita silang muling magkasama nang dumalo sa 18th birthday celebration ng panganay ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan, the couple’s adopted daughter.

Naging ate-atehan ni Juday ang megastar nang sila’y magsama sa pelikulang “Magkapatid” in 2002. Since then, the two became the best of friends.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE