Zeinab

Zeinab, hirap patawarin ang sarili

November 20, 2022 Vinia Vivar 282 views

Inamin ni Zeinab Harake na may pagkakamali siya sa kontrobersiyang nangyari sa kanila ng talent manager na si Wilbert Tolentino. Humingi na rin siya ng kapatawaran sa mga taong nadamay at napagsalitaan niya nang hindi maganda.

“Pagkakita ko (ng video) ‘Oh, my God!’ napaganu’n na lang ako. ‘Bakit ko iyan sinasabi sa iba?’ Mga ganu’n na hindi ko talaga alam din,” pahayag ni Zeinab sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Hindi niya itinanggi ito dahil siya naman talaga at inako niya agad ang pagkakamali.

“Hindi ko idedenay kasi ako ‘yun, eh. Hindi ko naman tinanggi. Inako ko kaagad, tapos nag-sorry ako agad, kasi pagkakita ko pa lang, alam kong mali. Alam kong makakasakit ako,” sey niya.

Dahil nga sa nangyari ay nasabi niyang nahirapan siyang patawarin ang sarili.

“Ako rin napi-feel sorry ako sa sarili ko kasi, ‘Ano bang pinaggagagawa mo? Anong tingin mo sa sarili mo?’ parang may mga ganoon ako.

“Tapos ang unfair kasi sa part ko ‘yung sarili ko ‘di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman, eh. Masyado na akong nilalamon ng kung anu-ano and sa sobrang daming (pinagdaanan) nawawala ako,” pag-amin ng social media infuencer.

Dagdag niya, “Nawawala talaga ako. ‘Di ko pa rin alam kung saan ako dadalhin, kung saan ako ngayon.”

Sa ngayon ay ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia ang nagiging source of strength niya para kayanin ang lahat ng mga intriga at pagsubok.

AUTHOR PROFILE