Bitoy

Resbak ni Tuesday, sinegundahan ng direktor

May 15, 2023 Jun Nardo 428 views

BINATIKOS ng komedyanteng si Tuesday Vargas at ng iba pa ang shoutout ng social media personality na si Rendon Labador na laos na ang mainstream celebs gaya ni Michael V dahil sila na ang may control ng media ngayon.

Mahaba ang saloobin ni Tuesday sa kanyang Facebook post.

Para sa kanya, talent pa rin ang bottomline upang tumagal sa industriya.

Sinegundahan ito ng writer-director na si Armando Reyes na ibinahagi ang kanyang karanasan sa mga baguhan at mga social media personality na pinasok din ang showbiz.

Payo ni Reyes, “Pwede namang magsuportahan tayo sa industriya, ‘di ba? Alam mo ang kapasidad mo, galangin mo rin ang ilang dekadang craft ng ibang tao at huwag kang mang-away.”

Naku, kung walang talent ang isang social media personality, flash in the pan lamang ang tingin sa kanya.

Ilabas muna ang resibo na magagaling at may K ang sikat daw na socmed celebrity, huh!

It doesn’t follow na kapag sikat ka sa socmed, tatangkilikin ka sa TV o sa movie, ‘no!

AUTHOR PROFILE